(Chapter 18)

2.2K 57 35
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.

Three Colors of Love

(Chapter 18 – Life’s Uncertainties)

Pagdating ng Lunes ay in good terms na sina Louie at Bridget. Masaya nang nakakapasok ang binata sa kanyang mga klase dahil wala na ang tensyon at takot na dinadala niya dati. Ganun din ang pakiramdam ng dalaga.

Lately ay may inaasikaso si Denise kaya si Bridget muna ang laging nakakasama ni Louie tuwing merienda at lunch. Madali namang nagkasundo sina Louie at Bridget dahil sa common interest nila na football. Fanatic pala ang dalaga samantalang varsity player naman ang isa.

Habang me-merienda ang dalawa sa isang fastfood, may gini-gift wrap si Louie na isang DVD. Na-curious naman si Bridget.

“Ano ‘yan?”

“500 Days of Summer. Ibibigay ko kay Denise.” nakangiting sabi ni Louie habang inaayos yung regalo.

“Ang tagal na nyan ah. Birthday niya ba ngayon?” tanong ni Bridget.

“Favorite movie niya kasi ‘yan, kaya bibigyan ko. Hindi naman niya birthday. Gusto ko lang talaga siyang bigyan.” nakangiting sabi ni Louie.

“Ahh. Mahal na mahal mo talaga si Denise, ano?”

“Sobra! She’s the loveliest girl in the world!” proud na sabi ni Louie. Ngumiti lang din si Bridget.

“Ganun ba. May sasabihin sana ako, kaya lang… wag na lang. Nakakahiya.” sabi ng dalaga.

“Sus, ngayon ka pa mahihiya? Sabihin mo na.” sabi ni Louie. At that time, nag-text bigla si Denise na balak niyang puntahan ang binata. Nag-reply naman si Louie at sinabing kumakain siya kasama ni Bridget. Sinabi din niyang bilisan dahil may sorpresa siya.

Nag-reply ulit si Denise. Sinabi niyang mamaya na lang sila magkita at tapusin muna niya ang merienda nila ni Bridget. Ayos lang naman kay Denise ang pakikipag-kaibigan ng kanyang boyfriend kay Bridget. Natutuwa pa nga siya at nagkaayos na ang dalawa.

Back to Bridget, pinagpapawisan pa ang mga kamay niya dahil kinakabahan siya sa sasabihin. It’s more of a confession for her.

“Louie… alam kong masaya ka na sa buhay mo ngayon… but… I just want to let you know… that I like you…”panimulang sabi ni Bridget.

Agad namang naging attentive ang binata.

“Wow, thanks for the admiration.” nakangiting sabi ni Louie.

“I like you… since then. Kinder pa lang tayo, crush na kita.” nakayukong sabi ng dalaga.

“Really?” gulat na gulat na sabi ni Louie. He never expected Bridget to say that.

“Oo. Kaya nga kita sinuntok nang malakas nung pinagtawanan mo ako, kasi sobra akong napahiya. Tapos yung crush ko pa ang nagsabi. Umiyak ako nun sa banyo. Tapos nung nalipat ako ng school, umaasa pa rin akong magkikita tayo someday.” kwento ni Bridget.

“I don’t know what to say… pero… bakit ako? Eh diba nung kinder tayo, sabi mo pa nga, uhugin ako, tapos laging madumi pa nga yung polo ko kasi lagi akong sumusuot kung saan-saan. I was not attractive back then.” sabi ni Louie.

“Ewan. Siguro dahil, magalng ka sa P.E.? Siguro dahil malikot ka, na you always catch my attention. Tapos popular pa kayo nun ni Louise dahil kayo lang ang fraternal twins noon sa school.” sabi ni Bridget.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon