(Chapter 15)

2.5K 58 49
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates. 

CHAPTER THEME SONG: Somewhere Only We Know (by Keane)

Three Colors of Love

(Chapter 15 – Is Love Not Enough?)

 

 

“Teka, sino ba ‘tong mga taong ‘to?” mataray na tanong ni Mrs. Henson.

“Good afternoon. I’m Alvin Alvarez, and I’m with my wife, Julie, and my daughter, April.” firm na pagkasabi ni Alvin habang ini-introduce ang sarili pati ang mga kasama.

“And so? Anong pakialam namin sa pamilya niyo?” mataray na sagot ni Mrs. Henson.

“Dapat kayong makialam. Dahil soon, ipapanganak na ang apo natin.” sabi ni Alvin.

“What are you talking about? Are you high?” tanong ni Mrs. Henson. Lumabas na rin sa kotse ang tatay ni Jake na si Mr. Henson, na isang Chinese businessman.

“Anong kaguluhan ito?” matapang na sabi ni Mr. Henson.

Lumapit nang kaunti si Alvin para tuluyang makaharap si Jake, pati na ang pamilya nito. Pumasok na din ang katulong dahil takot siya sa maaaring mangyari.

“Mr. and Mrs. Henson, I would like to inform you… that your son… impregnated my daughter! Another thing is, ayaw niyang panagutan ang ginawa niya sa anak ko!” galit na sabi ni Alvin habang nakatingin sa binatilyo.

Hindi pala-away si Alvin kahit noon pa man. Laging calm ang atake niya sa mga sitwasyon. But this time, anak na niya ang naaagrabyado, kaya naman he’s more than willing to fight for his beloved daughter.

“Don’t you dare ridicule my son! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo!” mataray na sigaw ni Mrs. Henson sabay harang kay Jake.

“Is this true, Jake?” biglang tingin ni Mr. Henson sa anak. Tumango na ang si Jake at inaming nakabuntis nga siya at ayaw niyang panagutan. Natatakot kasi siyang mapahiya sa pamilya.

“Walang hiya ka! Shame on you!” malakas na sigaw ni Mr. Henson sabay sampal nang malakas kay Jake. Sa sobrang lakas ng sampal ay rinig yung pagkakatama ng kamay sa mukha ng binatilyo. Jake bursted into tears.

They were all shocked – lalo na si Alvin, na hindi inaasahang sasaktan nang ganun ni Mr. Henson ang sariling anak. Para sa kanya, hindi naman tama na tratuhin nang ganun ang bata.

“So, what do you want, Mr. Alvarez? Gusto mo bang ipakasal natin ang mga bata?” suggestion ni Mr. Henson.

“Hindi. Masyado pa silang bata para magpakasal. What I want is for Jake to help, and have his share on this problem. Aba, napaka-unfair naman para sa anak ko. Mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon.” sabi ni Alvin.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon