(Chapter 12)

2.6K 70 21
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates. 

Three Colors of Love

(Chapter 12 – Catch Me If You Can)

 

 

Nag-aalala pa rin si Denise dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakukuha ang trust fund papers niya sa kanyag stepmom na si Wilma. Kinakabahan siya na baka mainip na nang sobra ang kanyang ama. Urgent pa naman ang bagay na ‘yun.

Kasama ngayon ni Denise ang kanyang first boyfriend na si Louie. Nasa isang romantic date ang dalawa. They’re out for lunch.

“O, ba’t kanina ka pang nakasimangot dyan? Hindi ka ba masaya sa date natin?” nag-aalalang tanong ni Louie.

“Ha? Sorry ah. Inaalala ko lang kasi yung papers ko. Ano kayang gagawin ko dun? Pirma na lang ang kailangan.” sagot ni Denise.

Hinawakan ni Louie ang kanang kamay ni Denise na nasa ibabaw ng mesa.

“Don’t worry. Maaayos din ‘yan.” nakangiting sabi ni Louie.

“Eh papaano nga?”

Ang hindi alam ni Denise ay paparating na ang kanyang stepsister na si Nancy sa restaurant na kinakainan nila.

“Oh, there she is!” biglang sabi ni Louie.

“B-bakit siya nandito?” tanong ni Denise.

Nakapasok muna si Nancy dala-dala ang isang brown envelope bago nag-explain. Nakipagsabwatan pala siya kay Louie para secretly ay kuhanin ang trust fund papers na nakatago pala sa dresser ni Mrs. Allen.

“Here you go.” nakangiting sabi ni Nancy kay Denise sabay abot ng envelope.

“Wow! Thanks! But, how? How did you…?” nagmamadaling tanong ni Denise.

“Oh, it was nothing. Strategies, I think.” sagot ni Nancy.

Laking tuwa ni Denise nang matanggap ang mga papeles. Niyakap niya nang mahigpit ang stepsister at nagpasalamat na din siya kay Louie for the initiative. Agad na din siyang kumuha ng pen at pinirmahan na ang mga papers.

“Ayan, pwede na nating i-mail ‘yan sa post office.” nakangiting sabi ni Louie.

“Teka lang. Pakainin na muna natin si Nancy.” natatawang sabi ni Denise. Pinaupo naman nila ang dalaga sa isang upuan at pinag-order.

**********************

Bihis na bihis si Mrs. Wilma Allen dahil magsh-shopping na naman siya kasama ang anak na si Annie. Todo lagay ang matanda ng mga alahas at iba pang accessories na kadalasan niyang sinusuot.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon