(Chapter 22)

2K 47 31
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.

Three Colors of Love

(Chapter 22 – Truth Over Lies)

“Gusto mo talagang malaman ang totoo?” nakangiting sabi ni Andrew kay Julian.

Binitawan na ni Julian si Andrew. Galit pa din ito pero pinili niyang manahimik na lang muna para marinig ang explanation ng kanyang pinsan.

“The truth is… we’re practicing. Tinuturuan ako ni Louise.” paliwanag ni Andrew.

“Practicing for what?” sabat ni Julian.

“Para sa panliligaw ko kay April. I like her very much!” sabi ni Andrew. Nagulat si Julian sa sinabi ng kanyang pinsan.

“Andrew’s right, Julian. He asked for my number, tapos we agreed to meet from time to time. Nung una din nga, natawa ako eh.” nakangiting sabi ni Louise.

“Pero… bakit kailangang si Louise pa ang magturo sa ‘yo? Saka… hindi ka ba marunong? Diba ang alam ko, campus heartthrob ka La Salle?” nagtatakang sabi ni Julian.

“Yeah. I’m not that perfect.” sabi ni Andrew.

“What do you mean?” tanong ni Julian.

“Akala mo kasi, porket heartthrob ako eh madami na akong naging girlfriends. Yes, sometimes, I hang out with them. But the truth is… nakakahiya mang aminin… no girlfriend since birth pa rin ako.” nakangiting sabi ni Andrew.

“What? Pinapatawa mo ba ako?” sabi ni Julian.

“I’m not kidding, Julian. Oo, kaya kong makipag-flirt sa mga babae, lalo na kung hindi ko tipo. Pero sa mga kagaya ni April, hindi ko talaga kaya. Pag alam kong mahal ko, dun na talaga ako tinatamaan ng hiya at pagka-torpe. Sorry, but that’s the truth.” paliwanag ni Andrew.

“Kaya kung mapapansin mo, kapag nakikipag-usap siya kay April, parang kinakabahan siya, or nauutal. Pero siyempre, hindi mo yun nakikita, kasi hindi mo naman masyadong pinapansin yung pinsan mo.” dagdag na sermon ni Louise kay Julian.

“Ayaw naman kitang abalahin kasi nga aware ako na medyo ayaw mo sa ‘kin. Kaya si Louise na lang ang hiningan ko ng tulong.” sabi ni Andrew kay Julian.

Gulat na gulat si Julian sa mga nalaman. Ang alam niya talaga ay player din itong si Andrew katulad ni Louie, pero mali pala siya ng inaakala. Napahiya tuloy siya.

“I’m… sorry. Sorry sa pagbibintang ko sa inyo.” nakayukong sabi ni Julian.

“Hindi naman ako galit, Julian. I think we just need to talk.” sabi ni Andrew.

“Tama! Mag-usap na nga kayo, para mawala na yung gap sa pagitan niyo!” sabi ni Louise.

Pansamantalang iniwan ni Louise ang magpinsan para makapag-usap. Nung una ay ayaw pa ni Julian, pero dahil sa paglalambing ng kanyang girlfriend ay napapayag na din ito.

Unang umupo si Julian sa isang swing.

“Upo ka.” sabi ni Julian kay Andrew habang umupo din ito sa kabilang swing.

“Bakit si April?” biglang tanong ni Julian sa pinsan. May halong pagdududa ang kanyang tanong. Naging mas protective na kasi siya sa kapatid mula nung maranasan nito ang iba’t-ibang hirap gaya ng early pregnancy.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon