<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)
In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.
Three Colors of Love
(Chapter 13 – To Goodbyes And Regrets – The Book 1 Finale)
This is the night they’ve all been waiting for. Ngayon na ang pageant na sasalihan ni Louise entitled The Search for the Ideal Thomasian Personalities. Lahat ng colleges at faculties ng university ay may dalawang representatives.
May laban ang bawat contestant ng pageant. Pero siyempre, bago pa man magsimula ang event ay may kanya-kanya nang favorites ang mga tao. Confident naman si Louise na representative ng College of Architecture, pati na ang kanyang kapartner na si Eric, ang Mr. Architecture. Pero kahit magkapareha sila ay magkaiba ang laban nilang dalawa. Maaaring pareho silang manalo, o isa lang sa kanila ang manalo, depende sa takbo ng contest.
Habang nasa backstage sina Louise ay dumating na sina Enzo, Lia, Louie, Denise, Nikki, April, Julian, Apple, Julie at Alvin sa mismong auditorium para manood at sumuporta.
“Pare, sinasabi ko sa ‘yo. Pag nakita mo si Louise, baka yayain mo na siyang magpakasal.” natatawang sabi ni Louie kay Julian.
“Talaga? Baka naman nage-exaggerate ka lang.” natatawang sagot ni Julian.
“Hindi, pare. Basta bahala ka. Baka mamaya maglaway ka na lang dyan.” pahabol ni Louie.
“Ulol.” sagot ni Julian sabay siko kay Louie.
Habang nagkukulitan ang dalawa ay napansin naman ni Louie ang kanyang girlfriend na si Denise.
“Dapat sumali ka rin dyan eh. For sure naman, ikaw ang pinakamaganda sa buong AB, diba Julian?” nakangiting sabi ni Louie.
“Oo nga naman, Denise. Hinayaan mo pa tuloy sumali yang Sandra na ‘yan. Akala mo naman kung sino.” nakangiting sabi ni Julian.
“Naku, hindi ako sumasali sa mga ganyang contest. Mahiyain ako eh. Saka tama na yung kasali na dyan si Louise. Suportahan na lang natin siya.” sagot ni Denise.
“Ang saya siguro kung dalawa kayong kasali ni Louise. Magpupustahan kami ni Julian. Ako, sa ‘yo. Tapos si Julian, kay Louise.” natatawang sabi ni Louie.
“Ginawa mo naman kaming mga manok na pang-sabong.” sabi ni Denise.
Natawa ang tatlo sa pinag-uusapan. Samantala, habang hindi pa nagsisimula ang palabas ay nagchi-chismisan lang muna sina Alvin, Julie, Nikki, Lia at Enzo. Sina April at Apple naman ay naglalaro ng games sa iPad ng dalaga. Halatang bored na si April lalo na’t hindi sila in good terms ng kapatid na si Julian matapos ang confrontation last 2 months.
BINABASA MO ANG
Three Colors of Love
Teen Fiction"No girlfriend since birth" This has been Julian's tag for 20 years. Being a hopeless romantic, he is bound to find different kinds of love in 3 girls who will change his life. This sequel of "My Girl, My Friend" tackles issues on friendship, love...