(Chapter 26 and Epilogue)

2.7K 71 67
                                    

Ito na po ang last chapter, kasama na din ang EPILOGUE sa huli. Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay at pagsuporta. I love you all :)

Three Colors of Love

(Chapter 26 – At The End of the Rainbow – The Series Finale)

JULIAN

“To all passengers of this flight from New York, we have now arrived in Manila. Welcome, and mabuhay!” sabi ng isang voice-over sa eroplanong sinasakyan ko.

 Hay, Manila. I’m finally back… back after 5 long years of staying in New York. Hindi ko na namalayan ang oras, ang mga araw, buwan at taon. Everything happened so fast, mula sa pag-alis ko noon hanggang sa aking pagbabalik.

Madami na ang nangyari, and I can say na madami na din ang nagbago sa ‘kin. Pero, I can’t say na I’ve become a better person. Hindi ko alam. May mga gumugulo pa din sa isip ko.

After 5 years, eto ako ngayon – isang established and well-known author who is based in New York. Madami na akong librong naisulat – romantic dramas, romantic comedies, inspirational books, at pati na rin mga fantasy at horror stories. Malayo-layo na din ang narating ko since the My Girl, My Friend era, but I have to admit, na hindi pa kumpleto ang aking portfolio.

May isa pa akong librong hindi ko matapos-tapos. I’ve been writing this novel for 6 years, pero hanggang ngayon ay wala pa din akong ending. It sucks, right? Pero ganun talaga ang buhay. Lahat may tamang panahon. Pero hanggang kailan ako maghihintay para maisulat ko na ang ending nito? Para mai-publish ko na siya nang tuluyan? Walang nakakaalam.

Siguro nga, ibang-iba na ako ngayon. But I still want to go back to my roots, that’s why I’ve decided to come back to the Philippines. Aaminin ko, na-miss ko ang pamilya ko. Alam kong mahirap itong paniwalaan, lalo na on this age of fast communication. Pero, bihira ko na lang makausap ang pamilya ko. Simula kasi nung mabaril si Louise sa bahay namin, I’ve decided to seclude myself from the people I love, kaya ako pumunta ng New York, to live a new life.

Na-miss din kaya nila ako? Nagme-message din naman ako sa kanila minsan, pero sa sobrang dalang naming mag-usap, ay hindi ko na rin alam ang mga nangyayari sa pamilya ko.

As I pull my bags and other things in the airport, I’m very excited to go home.

After 45 minutes, I arrived at our subdivision. Ganun pa din naman. Walang masyadong nagbago, except sa mga bagong bahay na itinayo.

Una akong pumunta sa riverside, sa lugar kung saan kami dating madalas tumambay nina Louie at Louise. How I’ve missed the twins! Nasaan na kaya sila? Ang huling balita ko, lumipat na daw sila ng bahay pagkatapos ng aksidente. Lumayo na sila para makaiwas sa gulo.

Louie was my buddy and best friend. We shared a lot of interests, at lagi kaming magkasundo sa mga bagay-bagay. We even loved the same girl once.

Her twin sister, Louise, is a special someone. At first, she was one of the boys, pero as time passed, she became my girlfriend.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa swing. Umupo ako at tiningnan ang tahimik na ilog. Memories suddenly flashed in my mind, habang pumapatak ang mga tuyong dahon mula sa mango tree.

When we were in high school, hilig namin nina Louie at Louise na humiga sa damuhan pagkatapos umulan. We loved the feeling of wet grass habang pinapanood ang rainbow sa kalangitan.

“Julian, sa tingin mo, totoong may pot of gold sa dulo ng rainbow?” inosenteng tanong ni Louise noon. Hanggang ngayon ay malinaw pa din ang boses ng dalaga sa isip at puso ko.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon