Ryan’s POV
“Kailangan mo ba talagang umuwi Gi? Ang lakas ng ulan oh. Di ka pa pumayag ipasundo ng Tito mo,” inis kong sabi. Nagpupumilit kasing umuwi mamaya kasi Friday at wala siyang pasok sa umaga Monday morning.
Inirapan niya lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Kasama namin si Bianca at Michael na kanina pa nagpippigil ng tawa sa gilid namin. Di ko alam ba’t nandito tong dalawang to. Di ko rin alama anong nakakatawa sa pagtatalo namin ni Gianna. Ewan ko ba anong status nila. “Utang na loob Ry. Di ako nanghihingi ng permiso sayo. Pasalamat ka nga nagpapaalam pa ako. Tsaka ano naman ngayon kung magcocommute ako? Sanay naman ako,” sabi niya sabay irap ulit.
Di ko alam ba’t asar na asar siya sa akin. Kagabi pa to siya eh. Sinundo ko lang naman siya sa bahay ng classmate niya kung saan dapat makikitulog na lang siya kasi di pa natatapos ang market study nila tapos kanina na ipapasa. Mali ko ba na nag-aalala ako at di ko siya hinayaang magpuyat? Ang rami niya nang naitulong dun tapos yung iba niyang kagrupo, kagabi lang talaga nagpakita.
Napahilot na lang ako sa sentido ko. “Oo na. Uuwi ka na. Pero hintayin mo ako, ihahatid kita.”
Nanlilisik ang kanyang mga mata na ibinaling ulit sa akin. “Paghihitayin mo ako ng isang oras?” taas kilay niyang tanong. “Baka nakakalimutan mo, mas una natatapos ang klase ko sa gabi ng isang oras kesa sayo. Tsaka aabsent ako mamyang gabi para mas maaga akong makaalis.”
Napatingin ako sa itaas, nag-iipon ng pasensya. “Edi aabsent rin ako. Anong gusto mo, ngayon tayo agad aalis? Pwede rin.”
“Wag ka ngang OA Ry,” sabi niya. “Bahala ka sa buhay mo. Walang sisihan kung mababagsak ka.”
Tahimik kaming apat habang nagpapatuloy na kumain. Di na ako pinapansin ni Gianna. Mabuti na lang nga at sa akin pa rin siya sumabay pabalik ng school at di kina Michael at Bianca. Ibinaba ko siya sa gate ng school, maghahanap pa kasi ako ng pagpaparkingan. Di ko alam ba’t di natanggal ang pinto ng kotse sa lakas ng pagkakasira niya. Ano ba talagang meron?
YOU ARE READING
Miss Independent
Cerita PendekA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)