Gianna’s POV
Tangina naman to si Michelle. Ako na nga halos gumawa ng final project namin sa Philo, late pa siyang dumating. Wait, mali pala. Hindi ako ang halos gumawa dahil ako lang talaga ang gumawa. Magpapaprint na nga lang ang gagawin niya, ang tagal tagal pa niya. Lord, ba’t ba ang malas ko sa lahat ng subjects ko ngayong sem? Kung hindi ako malas sa teacher ko, malas ako sa classmates ko.
Nakaupo lang ako sa cafeteria ng makita kong papalapit na siya. Ngiting ngiti pa ang gaga. Baka akala niyang pinalampas ko lang ang di niya pagtulong sa project namin. Pasalamat siyang alam kong wala rin naman siya maitutulong sa project na to. I’m not being mean or anything but it’s just that, Michelle is plain stupid. Sa mga naririnig ko sa classmates namin, kaya lang siya pumapasa ay dahil sa nangongopya siya. She doesn’t even try for God’s sake. Kaya alam ko na wala siyang maitutulong sa project na to. Ayaw ko pa naman ng pihlo, nakaksakit ng ulo mag-isip. Besides, anong akala niya, pag nagtrabaho na siya, makakakopya pa rin siya? Pero sa bagay, di naman niya kelangan magtrabaho. Anak mayaman naman siya.
“Gi, sorry natagalan ako ah. Eto kasing si Ryan eh,” paghingi niya ng paumanhin. Pamilyar ang mukha ng lalaking kasama niya. Ano nga ulit yung pangalan? Ryan? Eto na ba yung manliligaw niya na matagal na niyang pinagmamayaban na gwapo daw at matalino. Well, it’s sort of true. Gwapo naman siya. Di ko nga lang masigurado kung matalino. “Ryan, this is Gianna. Partner ko sa philo project,” pagpapakilala niya. Naningkit ang mata ko para matitigan siya ng maayos. Maybe he was one of my classmates in a minor subject or something.
Nginitian ko lang siya ng tipid at binaling kay Michelle ang tingin ko. “Here’s my flash drive. Ibalik mo na lang sa akin yan bukas pagpasa natin kay Sir ng paper,” sabi ko sabay tayo. Mabuti na lang at wala na akong klase. Ang rami ko pang tatapusin. Damn. I hate exam week.
“Uhmm. Gi, there’s a problem,” tila nahihiyang sabi ni Michelle. Ano na naman bang problema. Wag niyang sabihin sa akin na di siya pwedeng magpaprint ngayon dahil baka kung anong magawa ko sa kanya.
“Ano na naman ba?” sabi ko, nauubusan na ng pasensya. Ba’t ang rami rin kasi niyang paligoy ligoy. Di na lang dineretso.
Yumuko siya na parang batang nahihiya. “May lakad kasi kami ni Ryan ngayon. Birthday ng high school friend namin. Late na nga kami sa celebration eh,” nakayuko pa rin niyang sabi.
I can’t believe this self-centered primadonna. “So sinasabi mo ngayon, di ka pwede magpaprint ng project natin? For goodness sake Michelle, it’s only a two page paper. Alas singko na, kakaunti na lang ang tao na nagpapaprint ngayon, di mo ba pwedeng isingit sa busy mong schedule tong project na to?” galit ko ng sabi. Bahala siyang mapahiya sa kanyang manliligaw at iilang tao sa cafeteria.
YOU ARE READING
Miss Independent
Short StoryA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)