Gianna's POV
Di ko namalayan na papatapos na naman pala ang second sem. The past months seemed like a blur in my memory. Hinihintay ko na lang grades ko ngayon. Tapos na lahat ng final exams ko kahapon pa ng umaga kaya nakauwi agad ako ng hapon.
Naaalala ko pa ang mukha bg grupo nina Michelle nung nakita nilang binuksan ko ang pinto ng Montero ko kahapon. Tinaasan ko lang sila ng kilay at nginisihan. Nagdala na kasi talaga ako ng sariling sasakyan galing sa amin. Di na kasi ako sanay na magcommute dahil sa paghahatid sundo sa akin dati ni Ryan. At di rin sinabi ni Tito na pinalitan niya ang kotse ko na honda civic dahil binigay niya yun sa sekretarya niya. Kaya nung hinanap ko sa kanya ang kotse ko, sinabihan lang akong wala na at pinalitan na niya ng Montero.
Hanggang bukas pa kasi ang exam nina Bianca at Cindy kaya di kami makagala. Siguro babalik na lang ako dun sa sabado para makagala naman kami magkakaibigan.
Nagbabasa lang ako sa garden at di pinapansin ang mga armadong guards sa paligid nang biglang dumating si Tito.
Umupo siya sa harap ko at binigyan ako ng tila nag-aalalang tingin. "Are you okay?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ngayon lang kasi kami nagkita since nakauwi ako. "Yes, why?"
"I heard your exams were over yesterday and you went straight here. Shouldn't you be still be in the city enjoying your vacation and partying?"
Napatawa ako ng mahina sa sinabi ni tito. "You know I never party Tito. Tsaka may exams pa si Bianca at Cindy. Kaya baka bumalik ako ngayong sabado. But it's not sure yet."
"Wala ba kayong plano ni Ryan?" tanong naman niya. Umiling lang ako at alam kong napansin niya ang pagkapawi ng ngiti sa labi ko. "Di pa ba kayo bati?" tanong niya. Umiling lang ako ulit.
It's been about a month since I considered no longer part of my life. "There's no "pa" about it Tito. Di na kami magkakabati."
"How many times did he hurt you Gi?" he asked, not hiding his concern. Kahit kasi di kami laging nagkikita o nag-uusap ni Tito, we're still close. Wala akong tinatago sa kanya.
"I stopped counting after the first time. Tanggap ko naman na di maiiwasan yun."
"Three times Gi. You're right, in this game, you can't help but be hurt. Pero hanggang tatlong beses ka lang niyang pwedeng saktan. His father may hold a higher position but we both know who holds more power."
Sabay kami napangisi sa sinabi niya. "Are you talking about your guns and goons tito?"
Napatawa siya nang malakas dahil aa sinabi ko. I don't know why, I wasn't joking when I said guns and goons. We both know he has an abundance of those. "Gi, I wasn't planning on assassinating him. You're making it seem as if I'm a mafia boss instead of a town mayor. Ang gusto ko lang sabihin, pag sumobra na siya, pahihirapan ko na sila." Nakangiti si Tito ng sinabi niya yun pero alam kobng seryoso siya. That's why no one ever oposes him. He's too powerful for his own good.
"Don't worry Tito. Kaya ko sarili ko. I went through so much already. What's a little heartbreak?" I said, pretending not to care, almost convincing myself I really didn't care. Well, almost. I can lie to anyone, but making myself believe my own lies is an art I haven't mastered yet.
May sasabihin pa sana siya nang magring ang phone niya. Di niya pwedeng di sagutin yun. Kaya kahit nasa harap niya ako, sinagot niya ang tawag. He knows better than to talk confidential stuuff over the phone in front of me.
Nangunot ang noo niya sa narinig niya mula sa phone. Napabuga siya ng hangin, para siyang biglang napagod dahil sa tawag na yun. "Well, there goes my break. Gusto ko lang talaga kamustahin ka. I have to get back to the office," he said as he stood up. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Titoooooo..." I whined. What am I? Five? Ba't kelangan niyang guluhin buhok ko? Tumawa lang siya at umalis na.
Ryan's POV
Kakatapos lang ng huli kong exam nang magtext si Michael na humabol raw ako sa kanila ni Bianca sa mall dahil di nila maubos ang buy one take one na pizza. Pucha, ginawa pa akong third wheel at asong taga ubos ng pagkain. Pero dahil gutom na rin ako, humabol na lang talaga ako.
Tangina, nahirapan pa ako maghanap ng parking lot. Pagkapasok ko, ang rami pang tao sa mall. Pagkarating ko sa resto kung nasan sina Michael at Bianca, agad akong kinawayan ng gago.
Napasimangot naman si Bianca nang makita ako. Pagkaupo ko sa harap nila, umirap na talaga siya. I know she's pissed at me for hurting her friend but can't she at least hide her hostility?
"Bi, I know your worried about Gianna. But Ry's hurting too. Wag ka naman ganyan," sabi ni Michael kay Bianca habang hinahagod ang braso nito na nakaakbay sa kanya.
Umirap lang siya ulit at humarap na sa akin."You know what,that pain you're feeling right not is nothing compared to what she's probably feeling. Dapat ka talagang masaktan no. Kasalanan mo yan eh," paninisi niya. She still didn't bothrrt hiding her animosity towards me.
"Alam ko na yan okay? Wag mo nang ipamukha," inis kong sabi sabay slice ng pizza.
"Di mo alam ang lahat. You know what, I used to have a better opinion of you. I mean, sa lahat ng sumubok lumapit kay Gianna na lalaki, ikaw lang nagtagumpay. Sana pala di ko nalang sinuportahan yun. She was already so cynical and bitter before you happened. Now she's worse. Sa aming tatlo magkakaibigan, I'm supposed to have lower opinion of men in general, but you changed that. Ngayon kinasusuklaman niya na siguro lahat ng lalaki maliban sa Tito niya. Why did you bother breaking the walls around her if you didn't plan on staying?"
Sa lahat ng sinabi niya, ang huli lang ang tamatak sa akin. "Who said I didn't want to stay? Siya ang tumutulak sa akin palayo," sabi ko, sinasabayan ang galit niya.
"What do you expect her to do? You left her hanging! She's been let down so may times already by people who's supposed to love her. Yung parents niya, yung ex niya, yung bestfriend niya. You can't expect her to still welcome you after what you did. I mean, of people,why did you have to choose that bitch over her?"
"And what do you expect me to do? Paano ko siya susuyuin kung di ko alam anong pinanggagalingan niyong mga insecurities niya?!" pasigaw ko nang tanong. "Pucha, hinatid ko lang si Michelle. Di ko pinagpalit si Gianna para sa kanya. Why can't you both see that?"
"Ry, tama na-" pumagitna na sa away namin si Michael pero di nagpatinag si Bianca.
"Pati yun di mo alam? My God! Her father let her down by disregarding and the eventually dying. Yung ex niya, ginamit lang siya para itago ang kabaklaan. After announcing to everyone he's gay, biglang umalis papuntang US ng di nagpapaalam. Yung bestfriend kuno niya, ewan anong nangyari at bigla na lang raw di namamansin, ang masama, ginawa pa siyang kakumpetensya." Huminga siya ng malalim na tila naubusan siya ng hangin sa bilis ng pagsasalita niya. "And you made her depend on you. Alam mo bang halos ipagtulakan ko siya dati sa kotse ko magpahatid sa driver ko para wag lang siyang nagcommute kahit sobrang gabi. That was when I still didn't know she lived like some fucking princess in a faraway place. Palagi lang niyang sinasabi na walang mangyayari sa kanya. But when I found out,it still didn't stop me from worrying. Pero ikaw, pinadepende mo siya sayo pero di mo naman mapanindigan!"
Now I understand but still. Di ko pa rin alam anong gagawin ko. God, how am I gonna fix this? "Look, di ko ginustong saktan siya. Di ko gustong iparamdam sa kanya na iniwan ko siya sa ere. But that's how she feels and I don't know how to fix that."
Nagtinginan silang dalawa at nakita kong humigpit ang hawak ni Michael sa kamay ni Bianca. "You wouldn't have the chance to Ry," Michael said, looking away immediately.
Bianca smiled bitterly at me. "She's going away Ryan. She's going to Cebu. Sinubukan na namin ni Cindy na pigilang siya pero di siya papigil. And you have no one else to blame."

YOU ARE READING
Miss Independent
Short StoryA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)