Chapter 17

3.9K 145 8
                                        

Gianna’s POV

                I swear, mapapatay ko kung sinong gumising sa akin ng ala sais sa umaga sa ngayon. It’s freaking Saturday! Who in their right minds are awake right now? Agad kong kong kinuha ang phone ko sa lamesa ko na kanina pa nagriring at sinagot na lang. I didn’t bother looking who it is.

                “Fuck you! Alam mo ba anong oras pa lang?” galit kong sabi sa kabilang linya.

               

                I heard Ryan’s low chuckle from the other line and it made my blood pressure go up. “As much as I’d want to, I don’t think the guard here at your dorm will allow me to go inside your room to do that. Labas ka nga saglit,” sabi pa niya.

                Shit! Nandito siya? Tangina! I put on a bra hastily but didn’t bother changing. He’s seen me almost naked anyway. Bumalikwas ako ng bangon at agad lumabas sa waiting area ng mga bisita ng dorm. Nakita ko siya agad na nakangisi sa upuan sa may pinto. He was wearing a red v-neck shirt and board shorts. Asang dagat ba siya pupunta?

                “What the hell are you doing here?” I asked angrily. Wala akong pakialam kung makita pa ako ng dormmates ko at ng guard dito. Come to think of it, I should’ve told the guard never to tell him I’m here. Naningkit ang mata ko nang makita ko ang klase ng tingin na binigay niya sa akin. Napalunok siya na parang tuyong tuyo ang lalamunan niya ta hirap na hirap siyang magsalita na. Napatingin naman ako sa suot ko. “Tangina! Wag ka ngang manyak Ry! Umalis ka na!” sabi ko na lang.

                Tatalikod na sana ako nang bigla niya hinablot ang isang braso ko at pilit iniharap sa kanya. “Maligo ka na at magbihis. May pupuntahan tayo,” sabi niya.

                Then I remembered our deal yesterday. Shit! Ba’t ba kasi ako madaling araw na natulog? I know for a fact he won’t leave unless I’m with him. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. “Fine!” I muttered angrily.

                Agad akong naligo at nagbihis. Di ko na binasa buhok ko, total naligo naman ako kagabi. Nagsuot lang ako ng maong shorts at see through na blouse. Ewan ko sa ako dadalhin ng gago. Nang makalabas ako, tumayo siya agad para salubungin ako. “Tara?” sabi niya.

                Tahimik na lang akong tumango. I gave him the silent treatment while he was driving. But I’m not going to be a hypocrite by telling myself I don’t want to be with him. I mean, why should I deny myself? Anong mapapala ko kung magpapakipot pa ako? I know this won’t last forever. Nothing lasts forever this days. Why not grab the chance to be with him now?

                Kumunot ang noo ko nung napansin kong papasok kami sa isan barge. Fuck?! Maliligo talaga kami sa dagat? “What the fuck Ryan!? Ba’t di mo sinabing maliligo tayo ng dagat?”

                Ngumisi lang siya sa direksyon ko at nilabas ang phone niya mula sa bulsa. “Di ka naman nagtanong ah,” sabi niya pa.

                Bumalik na lang ako sa di pagkausap sa kanya. Siguro naman may bathing suit na benta yung pupuntahan naming resort. Kung wala, bahala siya. Magcocommute ako pabalik mainland. Peste, mag aalas otso na. Gutom na ako. Di ba naisip nitong gagong to na wala pa akong breakfast?

                Wala pang isang oras nasa isla na kami. Di ko gaanong kabisado paikot ikot dito sa isla. Minsan lang kasi ako nakarating dito. Halos isang oras ang biyahe namin papuntang resort. When I saw the name of the resort, I recognized it as one of the recently opened high end resort in the island. At least he didn’t take me somewhere cheap.

                May kinuha siyang backpack sa backseat at lumabas ng sasakyan kaya wala akong magawa kundi lumabas rin. Hindi pwede ang magpark sa loob talaga ng resort kaya iniwan lang namin ang pick up niya sa labas na parking area at naghintay ng golf cart. Agad rin kaming nakasakay at di ko namalayan na hinila niya na ako sa restaurant ng resort. Agad kaming dinaluhan ng isang waiter at inabutan ng menu.

                “I’ll have a continental breakfast,” I said smiling at the waiter. Ang cute niya kasi eh. May dimples. Pinanlisikan ako ng mata ni Ryan  nang makita ang pagngiti ko sa waiter. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

                “I’ll have the mediterranean breakfast. And some coffee too, the lady will have fresh juice,” he ordered curtly. Ako naman ang tumitig sa kanya nang masama. Ano bang problema nito? “Don’t you dare smile at another guy like that Gianna. Baka anong magawa ko,” inis niyang banta.

                “Nginitian  ko lang yung tao, nagkakaganyan ka na. Sino ka ba ha?” nang-aasar kong tanong.

                “Wag mong sagarin ang kakaunting kong pasensya na natitira Gi. Kung ayaw mong pumunta ako agad sa bahay niyo at sabihin sa tito mong may nangyari sa atin kaya dapat ipakasal ka na niya sa akin,” banta niya ulit.

                Napangaga na lang ako. “You’re kidding right?” I asked raising a brow.

                “Try me Gi. Make me fucking jealous again, I swear I’ll find a way to tie you to me.”

Author's Note:

This was supposed to be longer. But I'm too lazy and hungry. May part two pa tong chapter na to.

Miss IndependentWhere stories live. Discover now