Gianna's POV
Halata ang panginginig ni Ryan habang kaawa-awang nakatitig sa akin. Basa siya, marahil dahil sa ulan. Pero kahit ganyan itsura niya, pinilit kong palabasin na walang pakialam. There's no way in hell I'm letting him know how much he hurt me just now. "Anong ginagawa mo dito?" malamig kong tanong.
Inabutan siya ng isang katulong ng tuwalya at agad rin naman niya yung tinanggap. Agad umiwas ng tingin si tito at ang bisita. "I just wanted to make sure you got home safe," he answered, chattering. I wanted to show him out the house but that would just get me in trouble with Tito.
"Join us muna for dinner Ryan," alok ni Tito. Napatikhim naman ako at umirap. I know for a fact that Tito invited him for the sake of manners and common courtesy. Pero sana kahit ngayon lang, wag magpakabait si Tito. Umupo naman si Ryan sa tabi ko at may dumating na naman na katulong para magdala ng dagdag na plato at utensils.
Nagmadali akong kumain dahil nawalan na ako ng gana. "Excuse me," paalam ko. Napansin kong humigpit ang hawak ni Ryan sa tinidor niya nang marinig ako.
Agad akong tumayo at lumabas ng walang lingon lingon.
Pumasok ako sa kwarto at nagbihis ng pantulog. Pagkatapos magbihis, agad kong binuksan ang veranda para magpahangin. Tumila na ang ulan pero malamig pa rin. Agad kong inalis ang luhang di ko namalayang lumandas sa aking mukha. Tangina, ano bang iniiyak ko? Di naman talaga kami. Pumayag lang akong ipakilala bilang girlfriend niya para mapadali ang usapan. Kaya nga ayaw kong makaramdam ulit eh. I'm happy with my family and friends as the only people to care about. At least I'm sure those relationships won't end. Ba't kailangang sumugal sa isang relasyong walang kasiguraduhan? Ba't kailangang makaramdam ako nang ganito kay Ryan?
Pucha! Ba't ba ako nasasaktan? Naiintindihan ko naman na hindi na siguro maialis kay Ryan ang pagtulong kay Michelle. Magkaibigan sila kahit papaano eh. Una silang nagkakilala. Wala rin naman talaga akong karapatan masaktan nang ganito. Pero pag wala bang karapatan, di na talaga makakaramdam ng sakit?
Tahimik akong nakatitig sa kawalan nang marinig kong may kumatok. "Bukas yan," sigaw ko. Baka si Tito lang to, mangungumusta na naman. Simula nang malaman yang malapit na talaga ako kay Ryan, mukhang ang iniisip niya ay kelan ang kasal.
"Gi," mahinang sambit ni Ryan sa may likod ko. Damn!
Huminga ako nang malalim. "Umalis ka na Ry. Nakita mo nang okay lang ako."
"Gi, please. Alam kong nagkamali ako. Pero di ba pwede pag-usapan na natin to para maayos na?" may bakas na ng inis sa boses niya. Di ko naman siya masisisi kung naiinis na siya sa akin. Ang di ko lang maintindihan, ba't pa siya nagtyatyaga? "Tsaka dito muna ako pinatuloy ng tito mo dahil may natumba daw na puno papunta sa amin, di raw ako makakadaan."
For the second time, I breathed in a deep sigh. "May aayusin ba talaga tayo Ry? As far as I can remember there was never really an us."
"Gi naman. Ikaw lang nagpapahirap nitong sitwasyon. Yes, I made a mistake. Pinagsisihan ko na yun," giit niya. Nakaupo na siya sa harap ko. Napansin kong nasa amin ang tingin ng dalawang guards sa hardin. Tinanguan ko lang sila para sabihing okay lang ako. Napansin siguro nila ang medyo pagtaas ng boses ni Ryan.
Umirap ako at umiwas ng tingin. "Kaya nga. Pero alam natin pareho na nagsisisi ka lan dahil alam mo sa sarili mo na mali ang ginawa mo. Pero kung tutuusin di mo talaga pinagsisihan yun dahil ginusto mo. Let's face it Ry, you just want to feel needed. But I'm sorry to say this but that girl isn't me. Kaya mo nagustuhan si Michelle diba? Kasi she's fragile. She makes you feel as if she needs you. Aminin mo, nachallenge ka lang sa akin."
Napatayo siya bigla. Halatang di niya nagustuhan ang mga sinabi ko. Maybe that proves it to be true. They say the truth hurts. I hope they don't know how much. "Putangina Gianna!" halos isigaw niya. Napatingin ako ulit sa guards sa baba. Umiling lang ako para pakalmahin sila. "Ano bang pinaglalaban mo? Diretsohin mo nga ako Gi! Do you honestly feel nothing for me? Laro laro lang ba lahat ng to?"
"That's the problem Ry! I feel something for you that's why saying this. Ayaw kong dumating ang panahon na hulog na hulog ako dun mo marerealize na di mo pala talaga ako gusto! Ang sakit na nga ngayon na di pa ko pa maamin sa sarili kung ano talagang nararamdaman ko."
"Sino bang nagsabi sayo na sasaktan kita, ha?!" sigaw niya ulit."Sinasaktan mo na ako ngayon Ry! Kung tutuusin, dati mo na akong sinasaktan. Sa tuwing mas pinipili o pinapaniwalaan si Michelle kesa sa akin, masakit yun. Okay, when you believed her over me on that slapping incident, that was understandable. But that doesn't mean that it didn't hurt. Tapos kanina. Nangako ka na ihahatid mo ako. Pero anong ginawa mo? Inuna mo siya! Pinagsasabi mo sa mga tao na tayo na. Panindigan mo naman sana. Di mo man lang rin ba naisip na masasaktan ako pag nalaman kong magkasama kayo? Alam natin pareho gusto ka niya. I look like I'm incapable of being hurt, but I still get hurt all the same. Di lang ako tulad ni Michelle na nagpapaawa tuwing nasasaktan."
Di ko na napigilan ang mga luha na tumulo. Napatitig sa akin si Ryan. "God Gi, I'm so so sorry. Don't worry, iiwasan ko na siya. I promise." Akmang yayakapin niya ako ng umiwas ako.
"Don't make promises we both know you can't keep Ry. Iwan mo na ako," tahimik kong sabi habang umiiwas.
"Gi, alam nating di ko yan magagawa."
"Nagawa mo dati Ry. Nagawa mo nga kanina."
Author's Note:
Napaaga ang UD kasi may load net namin kasi nag-aabang ako grades. Sorry kung ito lang muna. Busy ako last week pabalik balik sa city. Try ko sipagin magtype next week.
![](https://img.wattpad.com/cover/16103347-288-k91304.jpg)
YOU ARE READING
Miss Independent
Historia CortaA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)