Ryan’s POV
FLASHBACK
“Dad,” tiim bagang ko bati sa Daddy ko. Ano bang ginagawa niya dito ngayon? Kinailangan ko pang umabsent para makipagkita sa kanya. Umupo ako sa silya sa harapan niya. Nandito kami ngayon sa isang resto malapit sa school.
Kanina pa siya salita ng salita pero wala akong naiintindihan sa sinasabi niya. Di rin naman ako interesado sa pinagsasabi niya. Paniguradong tungkol na naman to sa negosyo o politika. Either of which I have no interest in. “Ryan, nakikinig ka ba?” bigla niyang taas ng boses. Tahimik lang akong kumakain kaya kaya bigla akong napaangat ng tingin sa biglang paglakas ng boses niya.
“Hmmmm?” napatitig lang ako sa kanya habang ngumunguya. Pagkatapos kong lunukin ang pagkain, uminom ako saglit ng softdrink. “Ano ulit yung sinabi niyo?”
Halata sa mukha ni Dad na nauubusan na siya ng pasensya. “Sabi ko, gusto kong maging kayo na ni Michelle. Kailangan ko ng suporta ng ama niya sa mga proyekto ko. Alam mo naman si Arturo, anak niya ang kahinaan niya. Besides, nililigawan moo siya simula high school diba?”
“Dad, may girlfriend na ako,” bigla ko tuloy sabi. Shit. Mapapasubo ako nito. Patay ako kay Gianna.
“Ano?” bulyaw niya. Napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang at kakaunti lang tao. “Sino ba yang babaeng yan ha? Sigurado ka bang di lang pera habol niya sayo?”
“Dad, kung tutuusin, mas mayaman pa siguro siya sa akin. Kilala mo rin pamilya niya. Kaya kung pwede lang, wag ka nang makialam,” naiinis kong sabi. Ano ba kasing problema nitong matandang to. Hanggang ngayon pinapakialaman pa rin ako.

YOU ARE READING
Miss Independent
Short StoryA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)