Gianna’s POV
Nandito kami nina Bianca, Cindy at ang isang pinsan ni Bianca galing States sa tagong lugar malapit sa school kung saan umiinom ang mga schoolmates namin in between classes. Walking distance lang siya mula sa school at kakaunti lang nakakaalam tungkol sa lugar na to. Yung mga malalakas lang uminom. Also, this is how we spend our time together kung matagal kaming di nagkikita. Kakastart lang ulit kase ng klase namin since fiesta ng school. Kaya eto, biglang nag-aya si Bianca ng inuman. And since it’s only Tuesday, wala pang maayos na bar na open.
“Gi, ipaintindi mo nga sa akin ba’t di mo pa pinapatulan ang babaeng yun?” inis na tanong ni Cindy. Natawa na lang ako sa mga reaksyon nilang dalawa ni Bianca nang sinabi ko ang nangyari kahapon. The three of us are very protective of each other. Ayaw naming may naaapi sa kahit sino sa amin tatlo. Pero sa mga sarili namin, wala kaming pakialam kahit harap harapan kaming sinasaktan.
Umiling iling na lang ako at ininom ang laman ng shot glass na empe light. “For what? Pakialam ko ba sa tingin nila sa akin. You know there’s no love lost between me and my classmates. Di ko sila kasundo and that’s that. Hayaan mo na,” natatawa kong sabi.
Nilagyan ko naman ng laman ang shot glass at inabot yun sa pinsan ni Bianca na katabi ko. “Here, it’s your turn,” sabi ko. Kahit pure Filipino to, lumaki to sa America kaya baka di nakakintindi ng tagalog. Tinaggap naman niya yun at tinungga.
“Alam mo naman na nakakasalita ako ng tagalong di ba? Ba’t kailangan mo pang mag-english? Tanong niya na may nakakatuwang accent sabay abot ng shot glass. “I was wondering, bakit parang galit na galit ka sa classmates mo?” tanong niya ng di tumitingin sa akin. Nakaakbay kasi siya sa sandalan ng upuan ko at sobrang awkward yata kung lilingon pa siya sa akin eh sobrang lapit na namin.
Napailing na lang si Bianca sa raaming tanong ng pinsan niya. “Masyadong competitive mga tao sa kurso ni Gianna. Lalo na sa section nila. Wala siyang kaibigan sa dun. Wait, hold that thought, kalaban niya mga tao dun,” natatawang paliwanag ni Bianca.
“Naman Bianx. This isn’t high school. Anong kalaban diyan? You make it sound so juvenile,” natatawa namang angal ni Cindy sa sinabi ni Bianca.
Ryan’s POV
Goddamn it! Kanina pa nag-iinuman ni Michael dito lang malapit sa school. Na sa may likod talaga kami banda kaya di pa ako ni nakikita ni Gianna na kanina pa nagmamasid sa kanya. Kasama niya mga kaibigan niya at isang mukhang amerikanong hilaw na sobrang lapit sa kanya.

YOU ARE READING
Miss Independent
Cerita PendekA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)