Gianna’s POV
“Gi, may gagawin ka mamayang gabi? Pwede gawin na natin yung assignment?” tanong ni Ryan. May binigay kasi si maam na assignment last Tuesday. Next week pa ipapasa.
Natigilan ako sandali para isipin kung may gagawin ba ako. “Ahh. Wala naman yata. Sige, mamaya na lang,” sang-ayon ko.
Ngumiti lang siya ng napakalapad. “Sige gi, una na ako. Sa kabilang building pa klase ko,” paalam niya sabay kaway. “Sunduin na lang kita mamaya.”
Nasa loob ao ng kwarto ko ng bigla kong marinig ang pangalan ko na sinisigaw ng guard. Ano ba naman yung babaeng yun, di na lang talaga ako kintakot. Ang hilig talagang sumigaw. Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, “Po?” sagot ko.
“May naghahanap sayo dito sa labas, halika muna,” sigaw na naman niya.
“Sige po. Sandali lang po,” sagot ko na lang. Kainis naman, sino namang maghahanap sa akin sa ganitong oras. Nagbihis muna ako sandal ng maong na shorts at tshirt. Nakapantulog na kasi ako kanina. Nang lumabas ako ay mukha ni Ryan ang nakita ko. Napakunot ang noo ko ng makita siya. Ano bang kailangan nito? “Anong ginagawa mo dito?” nagtataka kong tanong.
Ngumiti lang siya at pinakita ang libro niya sa Rizal na bitbit niya. “Nakalimutan mo? May usapan tayong ngayon gagawin ang assignment sa Rizal,” sagot niya.
Shit! Oo nga pala. “Ahh. Sandali lang ah. Kukunin ko lang bag ko sandali,” paalam ko at agad na akong tumalikod. “May laptop ka ba dala?” tanong ko. Tumango lang siya. Mabuti na lang, nabibigatan kasi ako sa laptop ko kaya ayaw na ayaw ko na dinadala yun.
Dali dali kong kinuha bag ko at tinanggal ang pagkakasaksak ng tab ko at nilagay sa bag kasama ang charger. Paglabas ko ay pa rin sa pwesto niya kanina si Ryan. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa. “Di ka magbibihis?” tanong niya. Napatingin ako sa suot ko at wala naman mali. Umiling na lang ako. “Okay. Tara na,” alok niya.
Nang makababa kami ay may kinuha siya na parang susi sa sasakyan, di ko masyado nakita dahil madilim. May tumunog na sasakyan sa di kalayuan at naglakad kami papunta dun. Wow, rich kid pala talaga to. May sarili na ngang sasakyan, SUV pa talaga. Binuksan niya ako ng pinto at agad naman pumunta sa driver’s seat.
YOU ARE READING
Miss Independent
Cerita PendekA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)