Gianna’s POV
Mabuti na lang tapos na midterms exams namin. Fiesta na lang dito sa school ngayon. It a celebration about some saint. Three days rin kaming walang klase and until Saturday rin tong activitites. I’m just walking around with Bianca and Cindy. We’re not interested in watching the dance showdown happening in the open grounds.
“Guys, pahenna tayo,” bigla sabi ni Cindy sabay turo doon sa isang booth na may naghehenna. Kakaunti pa lang ang naglilinya sa pagpapahenna. Kakatapos pa lang kasi ng parade at pagod pa karamihan sa mga estudyante.
Nagtinginan kami saglit ni Bianca at tumango. “Okay,” sabi ko na lang. Agad naming tinungo yung booth na tinuturo niya.
Nang makarating kami dun sa booth ay kakatapos lang rin nung tattoo artist sa huling nagpahenna. Agad namang umupo si Cindy para siya na sumunod. Namili siya sandali ng design at tinuro yung design na bulaklak. “Saan ka ba magpapalagay?” tanong ni Bianca sa kanya.
“Sa braso lang, kayo?” balik tanong na man niya. Sinimulan na nung tattoo artist ang paglalagay ng kung ano sa balat ni Cindy.
“Sa binti lang siguro ako,” sagot ni Bianca.
Napaisip naman ako saglit. “Sa leeg yata ako,” sabi ko na lang rin.
Di nagtagal ay natapos na yung henna ni Cindy. Maganda anng kalabasan nito kaya medyo naexcite na rin ako. Ako muna sumunod sa kanya at agad akong umupo kung saan umupo kanina si Cindy. Inabot sa akin nung isang tattoo artist ang clearbook na may designs. I was attracted to the dragon so I chose it.
Inilagay ko sa kabilang gilid ng leeg ko ang mahaba haba ko ng buhok. Nang magsisimula na sanay ay may narinig akong galit na boses na sinisigaw pangalan ko sabay mura. “What the hell do you think you’re doing Gianna?” Ryan asked angrily.
Naningkit ang mata ko ng marinig ang pagkabigla at pagkainis sa boses niya. Ano na naman bang problema nitong gago? Sobra nang pakialamero. “Nagpapahenna, bakit?” inis kong sagot.
Sinimulan na ni kuya ang paglalagay ng henna sa leeg ko. Inalis ko ang buhok ko para di maging sabagal. Napatitig siya sa akin na tila nasisiraan na ako ng bait. “Ano? Anong nakain mo at magpapahenna ka?” di niya makapaniwalang tanong.

YOU ARE READING
Miss Independent
Short StoryA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)