Chapter 9

4.1K 121 15
                                    

Gianna’s POV

                “Mag-usap tayo,” sabi ni Ryan sa kabilang linya. This is the first time I answered his calls since that time in the coffee shop. Tanga kasi ako ngayon at di ko man lang natingnan kung sinong tumatawag, nasagot ko tuloy.

                “Busy ako,” sagot ko na lang. Yan naman talaga lagi kong sinasabi na excuse. I’m really bothered why his opinion about me matters to me. Nobody had this effect on me before. At sa lahat pa naman ng ayaw ka ay yung di ko kontrolado sarili ko.

                Narinig ko ang malalim niya na paghinga sa kabilang linya. “Sandali lang naman Gi,” pilit pa niya. I also hate it when he calls me “Gi.” Di naman kasi kami ganun kaclose. It also sounds different coming from his voice. It seems to become an entirely different name.

                “That doesn’t change the fact that I’m busy. Midterms na next week kaya I want to pass all my requirements this week. I don’t have the time to talk to you,” I lied. Sa totoo lang, wala naman ako masyadong ginagawa. I don’t have anything to worry about in fact.

                Narinig ko na naman ang malalim niya na pagbuntong hininga. “You’ll just have to make time Gi. Nandito ako sa baba ng dorm kaya bumaba kana diyan bago maubos pasensya ko at kung anong magawa ko,” banta niya.

                “What? Kung nandyan ka talaga, mas mabuti pang umalis ka na,” utos ko. I really don’t want to see him. Baka ano pang magawa ko. O masabi ko. I might end up saying something I’ll regret later.

                “Tangina naman Gi!” sigaw pa niya. “Bumaba ka na bago ikaw pa akyatin ko diyan at kung magawa ko,” dagdag pa niya.

                Dali dali naman akong bumaba dahil rinig na rinig ko na sa boses niya na nauubusan na siya ng pasensya. The last thing I’s want him to do is make a scene. Nang makababa ako ay agad ko siyang nakita na nagyoyosi na nakasandal sa sasakyan niya. Nang makita niya na ako ay ilang sandali muna kaming nagtitigan bago ko siya nilapitan.

                I’m usually turned off by guys who smoke. Ang baho kasi ng hininga nila pagkatapos. Pero ba’t parang iba kay Ryan? He even looks hot while leaning against his car and smoking. Nang makalapit na ako sa kanya ay agad niyang binitawan ang sigarilyo at tinapakan. Di rin siya nangangamoy usok. “I didn’t know you smoke,” I said. Di ko na alam anong sasabihin. Kitang kita sa mukha niya iritasyon. Di ko alam kung sa akin ba o sa kung ano.

Miss IndependentWhere stories live. Discover now