Gianna’s POV
Isang linggo na ako nagpapahinga pero parang kulang pa rin. Di ko pa nababawin ang tulog ko kahit pagtulog lang tanging ginagawa ko simula nung dumating ako dito sa pribinsya. Ngayon naman ang birthday party ng tito ko. Magpupuyat na naman ako.
Si tito na lang kasi ang nag-iisang kadugo ko. Namatay na kasi mommy ko at matapos ang isang taon, sumunod si Dad. Simula ng magkinse anyos ako, si tito na kasama ko. Siya na nagpalaki sa akin. Pero siya rin kasi ang mayor ng lugar namin kaya di niya ako masyado napagtutuunan ng pansin. Tsaka bata pa rin naman siya. Di rin naman din kasi ako responsibilidad talaga kaya di ko masasabing nagkulang siya. I guess I just grew up independent.
Unti unti nang natatapos kumain ang mga bisita. Mga kaibigan ni tito at iilan sa mga kamag-anak namin. Mayroon ding mga politiko dito, mula sa aming lugar at sa mga kabilang bayan.
“So how have you been hija? I heard you’ve been doing so well in you studies. Mahirap pa naman kurso mo , lalo na doon mo kinuha sa eskwelahan mo na mas lalo yatang pinahirap,” sabi sa akin ng isang konsehala. Naaalala ko pang isa to sa mga kaibigan ni mommy nung buhay pa siya.
Ngumiti lang ako ng tipid. “Okay naman po. Naigagapang ko pa naman,” pagbibiro ko.
I excused myself and went to the gardens. Dito na rin kasi ako tumira sa bahay ni Tito, which is the ancestral home of our clan. Di rin naman kasi nagpatayo ng ibang bahay si Dad kasi dapat sa kanya napunta ang bahay at di rin umalis si tito kasi wala naman siyang sariling pamilya at masyado silang magkalapit ni Dad. They were each other’s best friend.
Umupo ako sa gilid ng fountain at kinalikot ang phone ko. Nagsawa na ako sa loob. I hate talking politics and business. Pagod na rin akong ireto sa mga anak ng mga kaibigan ni tito.
“Gianna?” napaangat ako ng tingin ng mairing kong may tumawag sa pangalan ko. Damn it! I was already enjoying the peace and quiet.
Naningkit ang mata ko para maaninag kung sinong tumawag sa akin. Medyo madilim rin kasi at di ko suot glasses ko. Lumapit siya hanggang nasa harapan ko na talaga siya. “Ryan right? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
Ngumiti siya ng tipid at umupo sa tabi ko. “Sinama kasi ako ng Dad ko. Kaibigan niya ang mayor na celebrant ngayon,” sagot niya. “Ikaw? Sinong kasama mo dito ngayon?” tanong niya.

YOU ARE READING
Miss Independent
Historia CortaA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)