Gianna’s POV
“Tito,” tawag ko sa lalaking nakatalikod mula sa akin. Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita ni Tito Anton. Ilang linggo na kasi akong di umuuwi sa amin at minsan lang naman siya lumuluwas ng siyudad. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at bumeso sa akin. Di uso sa amin ang magmano. “Ano po bang ginagawa niyo dito?”
Hinila ko ang upuan ko na nasa harap niya. Nandito kami ngayon sa isang restaurant downtown. Mabuti na lang sinabi ng teacher ko last meeting na wala siya mamaya kaya ibig sabihin, wala na akong klase buong hapon. “May kinailangan lang ako kitain na tao. Ikaw kamusta ka na?” nakangiti niyang tanong.
“Okay pa naman po, kahit palaging kulang sa tulog,” sagot ko. May dumaang waiter at naglagay ng pagkain sa harap namin. Mabuti na lang at nakaorder na siya, gutom na rin kasi ako.
Tahimik kaming kumakain ni Tito at di ko mapigilang di siya pagmasdan. Di ko alam ba’t hanggang ngayon wala pa siya nag-aasawa. Kung nasa ibang bansa pa kami, siguro normal lang na di pa siya mag-asawa, but the heck. We’re in the Philippines. It’s not normal for guys past thirty to still unattached. My uncle is handsome from any angle, not to mention smart, successful, and filthy rich. Yun naman hanap ng mga babae diba? Wag naman sana siyang bakla. It would be a crime against women. “Gi? Gi!” bigla akong napaangat ng tingin kay tito nang marinig kong tinatawag niya ako. “Anong meron? Ba’t ganyan ka nakatitig?” tanong niya na nakakunot ang noo.
“Naisip ko lang po kasi bigla, ba’t di pa kayo nag-aasawa?” walang gatol kong tanong. There was never any reason for me to not speak my mind to Tito Anton. Even though we’re not really close, we’re still honest and open with each other.
Lumalim ang kunot sa noo niya at bigla na lang siyang tumawa ng malakas to the point na pagtinginan na kami ng ibang kumakain. I never expected that reaction from him. Akala ko magtataka lang siya at sasagot pero mali yata ako. “What brought this on Gi? Since when have you been concerned about my love life or lack thereof?”
“Nothing really. I was just wondering why I never see or hear of a girlfriend. Tito naman, di ka na bumabata,” natatawa kong sagot.
“So what if I’m getting old? Di ba ako pwedeng tumanda ng mag-isa?” tanong niya na nakataas ang isang kilay.
“Di naman sa ganun pero…” natigilan ako sinasabi ko kasi di ko na alam ano pa idadagdag. “Tito naman eh. Sagutin niyo na lang ang tanong.”
![](https://img.wattpad.com/cover/16103347-288-k91304.jpg)
YOU ARE READING
Miss Independent
Short StoryA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)