Chapter 6

4.7K 112 14
                                        

Gianna’s POV

                Nakatanga ako sa classroom ngayon habang hinihintay ang susunod kong teacher. Nakakainis na nga kasi kanina pa ako pinag-uusapan ng iba kong classmates  na walang assignment. Ang damot ko daw kasi ayaw kong ipahiram sa kanila ang flash drive ko para makapaparint din sila ng nung isang assignment sa management subject namin mamaya. Maghirap sila. Kaya wala akong kaibigan talaga sa section na to. Sana talaga pinalitan ko na lahat subjects ko para di ko makita pagmumukha nila para at least sa ibang section ako nasali at dun sa may kaibigan ko kahit di ko kaclose.

                “Damot niya talaga. Para namang sinong matalino,” rinig kong sabi ng isa kong classmate. Wala na siyang magagawa kasi matalino naman talaga ako. That’s not arrogance, that’s confidence. Di na ako magpapakahumble dahil magmumukha lang akong ipokrita.

                May narinig akong nagpadyak ng paa. “I know right. Pero sa lagay niyang yan di siya tatagal. Everyone knows you can’t graduate without cheating. Pag mahirap na masyado exams natin, wala ring magpapakopya sa kanya,” maarteng sabi nung isa ko pang classmate. Kung makapagsalita, akala mo naman kung sinong matalino at mayaman. Ang alam lang naman na English ay “I know right” at iilan pang commonly used na English terms. Kawawang bata. Nagmumukha lang siyang maarte at social climber.

                “Excuse me lang ah. Kung pag-uusapan niyo na lang man ako, lumayo layo na lang kayo ng konti o pakihinaan na lang boses niyo. At para malaman niyo, kaya kong pumasa ng di nangongopya. Bakit? Saan ba sa pag-aakala niyo galing yang answers niyo sa quizzes at exams natin? Para sabihin ko sa inyo, sa akin galing yun. Pasalamat kayo at masyadong mabait katabi ko kaya ang kinokopya niya sa akin ay umaabot sa inyo,” inis kong sabi sa kanila. Napanganga naman silang tatlo sa sinabi ko. Di ko kasi kayang di pakopyahin ang katabi ko. Siya lang kasi talaga ang nakakasundo ko sa klaseng to. Kaya pinapakopya ko. Ang gaga naman dahil sa sobrang bait, pinapakopya na yung katabi niya hanggang sa ang dapat sagot ko lamang, sagot na ng lahat. “Tsaka ang dali lang nung assignment na ipinagdadamot ko. Ganun na lang ba kayo kabobo para di makagawa nun?”

                “Gi sobra naman yata yan,” sabat ni Michelle. Isa pa tong maarteng to. Nakakadagdag lang sa ikinabibwisit ko. “All they’re asking for is simple favor,” she added. “It’s not as if they’re asking you to make their final papers.”

                Gusto ko nang matawa sa sinabi ni Michelle. Does she honestly believe that by speaking in English, she’ll seem smart? “You dare throw that in my face Michelle? Baka nakakalimutan mong dahil sa final paper natin sa philo, pumasa ka. Dahil sa final paper nating ako lang mag-isa gumawa, pumasa ka. Kahit pasang-awa,” sabi ko. Wala akong pakialam anong sasabihin nila. Ipaglalandakan ko talaga sa mukha niya na pumasa siya dahil sa akin. Nahila ang malapit ng mabagsak na grades niya dahil sa akin.

Miss IndependentWhere stories live. Discover now