Gianna’s POV
Damn! I hate the first day of class. Sana pala di na lang talaga ako pumasok. Ba’t kasi ngayon pa sinabi na di counted ang attendance this week. Kainis!
Pumasok na lang ako sa klase ko sa Rizal. Mabuti lang at open section to. Kahit anong course napupunta dito. Sana naman di lang ako ang forever alone dito. As usual, sa last row ako umupo.
“Gianna?” anakng. Kilala ko ang boses na yun. Lord, anong kasalanan ko at pinaparusahan mo ako ng ganito? “Anong ginagawa mo dito? Dito rin ba klase mo?”
Napaikot na lang mata ko nang marinig ang tanong niya. Utak pwede? “Malamang Ry. Kapal naman ng mukha ko diba kung magsisit in ako dito kahit first day ng klase tsaka wala ako ni isang kakilala dito.”
“Oo na. Sorry na,” nakangiti niyang hingi ng paumanhin. “Dito na lang ako sa tabi mo ah,” paalam niya sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Pinanlisikan ko lang siya ng mata. “Kung hihindi ako, di ka ba uupo diyan?” tanong ko.
“Hindi. Dito pa rin ako uupo,” sagot niya. Tingnan mo na. Di naman pala susunod sa gusto ko, magtatanong pa.
“Nagpaalam ka pa. Uupo ka naman pala diyan kahit ayaw ko,” reklamo ko.
“Eto naman oh. Parang wala naman tayong pinagsamahan nito,” sabi niya ng nakangiti.
“Wala naman talaga,” angal ko.
Tumawa siya ng mahina. Nagsawa na ba siya sa babaeng oo na lang ng oo sa kanya kaya natutuwa siyang makakausap ng babaeng ayaw sa kanya? “Nakalimutan mo na yung sa party ng tito mo?” nakangisi niyang tanong.
“Come to think of it, may kasalanan ka pa sa akin nung gabing yun. Ano bang nakain mo nun at bigla na na lang nanghahalik? Alam mo bang araw araw akong inaasar ni Tito at ng mga katulong nun?” inis kong sabi. Si tito kasi eh, kulang na lang ibugaw ako sa kanya. Unang beses kasi raw may nakahawak o nakalapit man lang na lalaki sa akin.
“Halik lang yun sa pisngi eh,” natatawa niyang sabi. “Anong gusto mo? Panagutan ko yun? Maging tayo na lang?”
“Tumahimik ka nga. Di na nakakatawa biro mo,”inis na inis ko ng sabi.
Tumawa na talaga siya ng malakas. “Sino bang nagsabi na nagbibiro ako?”
“Pwede ba? Tigil tigilan mo ako.”
Sasagot pa sana siya ng biglang pumasok ang teacher namin. Letse. Isang matandang babae na mukhang strikto. Baka mahirapan pa ako nito. “Okay. Get one eighth sheet of paper and write your names. Mamili na rin kayo ng partner niyo for the rest of the sem kasi may iilang quizzes kayo at activities na by pair. Go,” utos niya.
Tama nga ako. Strikto nga.
“Gi,” tawag sa akin ni Ryan. Damn. Parang alam ko na ang susunod. Lumingon ako sa kanya at ang gago, nakangiti lang na parang batang may hinihingi. “Partner tayo ha,” sabi niya.
Tumango na lang ako. “May magagawa ba ko? Eh wala naman akong ibang kakilala dito,” sabi ko.
“Yes!” rinig kong mahina niyang sabi sa gilid. Tuwang tuwa pa siya.

YOU ARE READING
Miss Independent
Short StoryA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)