Chapter 18

3.9K 133 5
                                        

Gianna’s POV

FLASHBACK

                “Here,” Ry said while handing me a small bag of I don’t know what. Nang tingnan ko sa loob, nakita ko ang isang di gaanong sexy na bikini. In fact, sa dibdib lang siya revealing. Shorts kasi ang pang-ibaba. May laman rin tong bagong underwear.

                Tinaasan ko lang siya ng kilay matapos kong ilagay sa bag ang binigay niya. “How did you know my size?” I asked, irritated.

                “I had Michael ask Bianca,” he said smirking. I honestly don’t know what to do with him. Alam ko sa sarili ko na gusto ko na siya. Kung pwede lang sanang pigilan sarili ko, gagawin ko na eh. Ako kasi yung tipo ng tao na ibibigay lahat, kahit wala nang matira sa sarili. That’s why I don’t want to give into him. Because I know for a fact that nothing lasts forever. And when the time comes that he gets tired of me, I have no idea what’s going to be left of me.

                And with all the things that he’s doing to win me back, I’m not sure for how long I can still hold out.

END OF FLASHBACK

                I was wearing the bikini he gave me this morning. Nandito kami sa parang cabana sa gitna ng dagat. Mabuti na lang at walang katao tao rito. Nandun silang lahat sa pool area. Nakaharap ako sa dagat samantalang si Ry naman ay nakaharap sa akin pero nakatalikod ako sa kanya.

                “Gi?” tila nahihiya niyang sambit sa pangalan ko.

                Liningon ko siya. “Bakit?” di ko maiwasang iiwas ulit ang mga mata ko sa kanya. Ayaw ko talagang tumititig sa mga mata niya. At ngayong nakasando lang siya, ayaw ko ring tumitig sa katawan niya. Halatang suki sa gym eh.

                “Ano pa bang kailangan ko pang gawin para patawarin mo na ako?” parang nanghihina na niyang sabi. Ewan ko lang sa lalaking to. Ilang beses na ba yang natanong sa akin?

                Huminga ako ng malalim. Di ko alam anong isasagot sa kanya. Even I myself don’t know the answer to his question. Truth be told, I already forgave him. It’s not in my nature to hold a grudge for long. “Napatawad naman kita eh. Nasaktan mo kasi ako eh. You have to give me time to nurse and heal my wounds. Hindi lang kasi ang pagtatanggol mo kay Michelle ang nakasakit sa akin eh. Naiintindihan ko naman na nakasanayan mo na ang mabait na side niya ang nakikita mo. Ang di ko lang maintindihan, ganun na lang ba ako kasama ang pagkakakilala mo sa akin para di man lang kwestyunin ang pagsampal ko sa kanya? Ganun ba ako kasama sampalin siya ng walang dahilan? Tanggap ko naman ang opinion sa akin ng iba eh, na maldita at suplada ako. Matatanggap ko nga kung isipin nilang inagaw kita kay Michelle. Ang masakit lang kasi gusto na kita eh. And I thought that you didn’t really believe I’m a bad person. But I guess I’m wrong.”

                Naramdaman ko na lang na nasa likod ko siya. I was leaning on the backrest of the chair that could be mistaken for a bed. I could feel him take his seat behind me. After a few more minutes, I could hear and feel his breathing on my nape as he slowly wrapped his arms around my waist. “Oh God. I’m so sorry baby,” he whispered in  my neck.

                Inalis ko ang pagkakayakap sa niya sa akin. “Really Ry, wala na sa akin yun. Napatawad na kita,” sabi ko.

                Pinaharap niya ako sa kanya at isinandal ang noo ko sa kanya. “Still, what I did had no excuse. So just let me be sorry for awhile. I should’ve known better than to question the person I love,” he said staring straight through me. Ilang beses ko nang narinig na sabihin sa akin na mahal niya ako. Alam ko sa sarili ko na pareho kami ng nararamdaman. Di ko lang alam ba’t di ko masabi sa kanya ang mga salitang yun.

                Dahan dahan niyang inilalapit sa akin ang kanyang mukha hanggang sa magkalapat na aming mga labi. And this time around, di ko na siya tinulak palayo.

Miss IndependentWhere stories live. Discover now