Gianna's POV
Pagkatapos ng bakasyon ko sa Cebu, balik sa normal ang buhay ko sa amin. Palagi lang akong natutulog sa bahay. But Paul and I kept in touch. Ang gaga palagi nag-aaya ng hala pero bukas ko pa siya mapagbibigyan. Pabalik pa kasi ako ngayon sa syudad para sa enrolment. Plano ko kasing iadvance ang ilang subjects ngayong summer. Mabuti na lang at online kami kaya diretso na lang ako print sa subjects ko at bayad na agad sa school o sa banko.
Nang makarating ako sa school, agad akong nagpark sa may likod na gate. Di ko tinext si Bianca at Cindy. Sigurado namang maaabutan ko lang yun sa may finance office. Pagkapasok ko, ang unang mukha na tumambad sa akin ay kay Ryan.
Pucha! Sa laki ng skwelahan na to, siya pa talaga ang una kong nakita? Mukha siyang nakakita ng multo nang makita ako. I wonder what's going through his head. He looked as if he thought he'd never lay eyes on me again.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nilampasan. Bahala siya sa buhay niya
Nagpatatak ako ng priority number sa guards at umopo sa isa sa mga upuan na nakalaan para sa mga magbabayad.
Naramdaman ko ang matatalim na titig ng iilang babae sa may kaliwang gilid ko. I recognized them as Michelle's friends. Tinaasan ko lang rin si ng kilay. Ano pa bang ikinagagalit nila? Pinakawalan ko na mga si Ryan diba?
May tumunog na something na nagsasaad na nagpalit na ng priority number. Nakita kong akin na na number kaya agad akong tumayo para magbayad.
Pero bago ako makalapit ng tuluyan sa cashier, may malakas na humampas sa akin sa braso. "Tangina! Ano ba?!" sigaw ko. Pag lingon ko, nakita ko ang nakangising mukha nina Bianca at Cindy. "Bwiset, kelangan ba talagang mamalo para batiin ako?" tanong ko habang sabay kaming lumapit sa cashier. Inabot ko ang pera at ang papel na naglalaman ng subjects ko.
"Walang hiya ka! Nang iwan ka talaga. Di mo man lang kami nahintay ni Cindy. Yun pala, may kasama ka ng bagong lalaki run," tila naiirita na sabi ni Bianca.
Inirapan ko lang siya. "That was Paul. Tsaka paano niyo nalaman na may kasama akong lalaki?"
"Nagpost siya agad ng picture at tinag ka."
Sabay kaming tatlo lumabas pagkatapos kong magbayad. Parehos kasi kaming tatlo na unang araw talaga ng enrolment nag-eenrol kay di na nami kami nagtetext sa isa't isa kasi alam naming magkikita lang rin kami.
Naging gawain na nila makisakay sa sasakyan ko. Dati kasi nagtataxi kami o nagjijeep. O minsan pagtinatamad talaga kami, nagpapasundo kami sa driver ni Bianca.
I unconscious drove to the nearest place where we could eat. It was a coffee shop and resto near the school.
Nag order kami agad ng lunch at di ki maiwasang di mapansin ang pagiging preoccupied ni Cindy sa cellphone niya. Di nagtagal, napansin niya sigurong sobrang lalim ng titig ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Sinong katext mo?" nang-aasar kong tanong.
Napailing lang siya. "Wala. Isang asungot lang na walang ibang magawa kundi manira ng araw."
Natawa ba lang kaming dalawa ni Bianca. Matagal tagal rin mula nung huli naming nakasama si Cindy. Masyado kasi siyang busy. Naglayas kasi. Kaya yan tuloy, ang raming trabaho. Ayaw naman tumanggap ng tulong mula sa amin.
Dumating rin sa wakas ang inirder namin pero biglang nagring ang cellphone ni Cindy. Sinamaan niya ng tingin ang phone niya na para bang nakikita niya ang kung sinong namimwisit sa kanya dub sa screen ng phone. Sinagot din naman pala. "Ano ba? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kumakain na ako. Ayaw ko ring makilala pinsan mo."
Sa taas ng boses niya, napasulyap sa amin ang iba pang kumakain dito sa resto. "Paano mo nalaman na nadito ako?" tanong niya. Napatingin siya sa may pinto kaya napatingin na rin kami ni Bianca dahil sa pamumutla niya.
"Oh fuck," I cursed under my breath. Pumasok ang isang lalaki at ngumisi ng makita si Cindy. Pero ang dahilan ng pagmumura ko ay ang kasunod na pumasok. Ganun na ba kaliit ng mundo? Kasama pa nilang dalawa ang kuya ni Ryan at ang girlfriend yata nito.
Bwiset. Kung makatitig naman siya, kitang kita ang pangungulila. Akala mo naman kung sino sa buhay ko.
YOU ARE READING
Miss Independent
Historia CortaA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)
