Gianna’s POV
I’ve been avoiding Ryan for exactly three days now. Tuesday nangyari yung eksena naming tatlo ni Michelle at biyernes na ngayon. At sa tatlong araw kong pag-iwas sa kanya, wala siyang palya sa pangungulit sa akin. Kung hindi nagtetext oras oras, tumatawag na talaga. Di na man sa di ko siya nireplyan eh. Nireplyan ko na man siya, pero ang sinabi ko lang ay wag muna siya magtext. Hindi na nga ako pumapasok sa subject na classmates kami para lang di ko makita ang bwisit na mukha niya.
Kakatapos lang ng last period ko ngayong gabi. Mabuti na lang at naayos ko schedule ko para di ako hanggang alas nuebe tulad ng iba kong blockmates. Tatlong araw na rin pala akong iniirapan at pinag-uusapan. If they think I care, they better think again. I have no time to be bothered with their petty, childish behavior. Why stoop down to their level? The hell I care about what they think.
Kinuha ko ang bag ko at sinabit ang sling sa balikat ko. Sa kasamaang palad, nakasunod ako sa grupo nina Michelle palabas ng room. Muntik akong mabangga sa likod nung isa dahil sa biglang natigilan si Michelle sa pinto. “Ryan?!” sigaw niya. Shit! Halata sa boses ni Michelle ang saya sa kabila ng pagkabigla.
Agad akong tumalikod para sa kabilang pinto na lang dumaan. Sinilip ko muna kung nandun pa ba si Ryan. “Hindi ikaw pinunta ko dito Mich, kaya pwede ba, wag kang humarang diyan?” rinig kong sabi ni Ryan na may halong inis sa boses niya. Himalay yata. Ito ang unang beses na narinig kong gamitan niya si Michelle nang ganung tono. He’s usually so tolerant of her immaturity. Lumabas ako ng room na parang di ko alam na nandun sila. Pero bago pa ako makalayo, sa kasamaang palad ay nakita na ako ni Ryan. Tangina naman oh! “Gianna!” sigaaw niya para pigilan ako. I pretended that I didn’t hear anything. Diretso lang akong naglakad palayo. Gusto ko na sanang tumankbo na lang ng marinig ko ang mabibilis na yapak ni Ryan pero nakakhiya naman kung bigla akong kumaripas ng takbo.
Bago ko abutan ang hagdanan ay naabutan na niya ko. Hinablot niya ang isang braso ko at pilit pinaharap sa kanya. Mabuti na lang at konti na lang ang tao sa hallway. Nakapasok na kasi sila sa kanikanilang classroom. Di ko man nakikita, ramdam ko ang sama ng tingin nina Michelle sa amin. Wala ba tong planong pumasok sa susunod na klase nila? Nakahawak si Ryan sa magkabilang braso ko at malungkot na tumitig sa akin.
I hope my face is as expressionless as I want it to be. I don’t want him to know how much him not believing me hurt. “Ano?” balewala kong tanong. Tinaasan ko siya ng kilay ng dumaan ang ilang sandali at di pa rin siya nagsasalita. “Kung wala kang sasabihin, pakibitawan ako pwede? Gusto ko nang umuwi.”
Mukhang natauhan naman siya sa pagtataray ko. “Pwede ba tayo mag-usap?” pakiusap niya. Kitang kita ang pagsusumamo sa mga mata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/16103347-288-k91304.jpg)
YOU ARE READING
Miss Independent
Historia CortaA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)