Gianna’s POV
FLASHBACK
“Ayaw kong ligawan mo ako,” sabi ko kay Ry. Kakasabi pa lang niya na liligawan niya talaga ako pero pinipilit kong wag na. It’s not that I’m scared of commitment but, I feel as if I’m going to lose him sooner or later once we’re together.
Sinamaan niya ako ng tingin. “Can you explain to me why? Yun lang naman kulang sa atin eh.”
“Kaya nga. Can’t we just continue doing this without the label? Without being official? Hindi ko naman titigilan to eh,” inis ko ng paliwanag. I know he wasn’t happy about it. And I might actually lose him if I don’t give in to it.
Napabitaw siya sa kamay ko na parang ngayon niya pa lang yata nabitawan buong hapon. Nasa isang hilltop restaurant na parang resort na rin kasi kami. Napatingin siya sa view sa baba. Sumandal siya sa railings. “Look Gi, di ako papayag sa gusto mo hangga’t di mo sinasabi sa akin kung bakit ayaw mong ligawan kita. I want to do this the right way. Gusto kong legal tayo sa tito mo. And unless you tell me why you don’t, I’m not dropping the subject.”
Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala talaga akong takas. “I don’t want you to court me coz then I’d have to say yes. Ayaw kong maging official tayo dahil pakiramdam ko, somewhere down the line, we’d break up. And don’t you dare start talking to me about forever and that kind of shit. Couples who believe that they’d up together forever break up. Ayaw kong maging tayo tapos mawawala ka lang rin,” sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. “Mas mabuti na lang tong ganito, kasi feeling ko mas magtatagal tayo ng ganito.”
Di ko alam kung naiintidihan niya ba ako o ano. Tahimik lang siya. I hope he sees my point. “I kind of understand your way of twisted reasoning Gi. Pero anong trahedya ba ang nangyari sayo at ganyan ka na kabitter mag-isip kahit ang bata mo pa?” tanong niyang habang humaharap sa akin at nakangisi. Alam kong gusto na niyang tumawa dahil may paganun ganun pa akong nalalaman.
Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako payakap sa kanya. Yung mukha niya nasa may leeg ko at nakasubsob naman mukha ko sa dibdib niya. “Thanks for understanding Ry,” I whispered. He just burried his face more in my hair and neck.
Di nagtagal ay bumitaw na rin kami sa yakap. “Di mo pa rin sinasabi ba’t ganyan ka kabitter,” paalala niya nang nakangisi.
YOU ARE READING
Miss Independent
Storie breviA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)
