Chapter 16

4.2K 124 5
                                    

Gianna’s POV

FLASHBACK

                Umuwi ako sa amin. Wala kasi kaming klase sa biyernes at maagang natapos klase ko sa huwebes. Whenever I go home, I always wonder how I manage to return to the city. Minsan naiisip ko, ba’t ko pa ba pinapahirapan sarili ko sa siyudad? May kolehiyo rin na man kasi dito sa amin. Yun nga lang, di kasing ganda ng mga nasa siyudad. Di ko rin naman talaga kailangan magtrabaho eh.

 

               

                “Miss Gianna, may nagpapadala po,” biglang sabi ng isa sa mga katulong sa akin habang nagmemeryenda ako sa terrace. Nabigla ako nang paglingon ko sa kanya, inabot niya sa akin ang bouquet na may dalawang dosena yatang pulang rosas. May isang kahon rin ng mamahalin na tsokolate. May card na nakapatong sa itaas ng bouquet pero di ko na tiningnan. Alam ko na sino nagpadala ng mga ito.

 

 

 

                Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya agad kong tiningnan kung sinong nagtext. Pagbukas ko sa message, di na ako nabigla sa nabasa.

 

 

 

                “Good morning baby. Hope you like roses and dark chocolate. Didn’t know what else to give you. =)”

 

 

 

                Talaga naman tong si Ryan oh. Walang palya sa panunuyo sa akin. Di ko na alam anong gagawin ko sa kanya. Hindi namana ko seryoso nung sinabi kong patunayan niya sa akin na dapat ko siyang pagkatiwalaan ulit. I never expected he’d take it seriously. I was hoping he was going to give up on me. At least then I wouldn’t have any reason to fal for him and break my heart all over again.

 

 

 

                “Pakilagay na lang ng bulaklak sa vase manang, tapos pakilagay sa kwarto. Pakiref na lang rin sa tsokolate,” utos ko. Tumango lang siya at pinasok na ang mga dala.

 

 

 

                Bago pa ako makasubo sa cake na kinakain ko, dumating si tito at agad umupo sa harap ko. May sumunod sa kanya na isa pang katulong na nagdala rin ng makakain niya. “Sa anak ba ni Gov galing yung bulaklak at chocolates?” nang-iinis niyang tanong.

 

 

 

               
                “Opo,” tipid kong sagot. “Paano niyo nalaman?”

 

 

 

                “Binasa ko ang nakasulat sa card. Tapatin mo nga ako Gianna, ano mo na ba siya?” nakangisi niya na namang tanong.

Miss IndependentWhere stories live. Discover now