Gianna’s POV
Kanina pa ako nagpipigil ng ngiti habang katext si Ryan. Ang kulit lang ng gago. Ang boring kasi daw magturo nung teacher nila sa isang major na subject kaya eto, kinukulit ako.
“Gi, pwede ba tayong mag-usap?” rinig kong sabi ng isang boses sa gilid ko. Pag lingon ko ay nakita ko ang tila nakakaawa na mukha ni Michelle. What does this bitch want this time?
Lumingon lingon ako sa paligid at napansin kong patago kaming pinagpmamasdan ng mga classmates namin. Umayos ako ng upo para harapin siya kasi nakapatong ang paa ko kanina sa upuan sa harap. “Di pa ba tayo nag-uusap sa lagay na to?” tanong ko na nakataas ang isang kilay.
Lumingon lingon siya paligid at pareho kami ng napansin. Simula kasi nung napahiya ko siya sa buong klase, parang naghihintay na lang ang mga classmates namin na maulit ang ganung klaseng eksena. Alam rin namin pareho na sa aming dalawa, mas gusto siya ng mga classmates namin. Nasa kanya ang simpatya ng mga tao dito sa loob. “Sa labas sana kung pwede. I want to talk about this in private.”
Tinaasan ko lang siya ulit ng kilay. “So you’d rather have complete strangers hear our supposedly private conversation than our classmates?” I asked. I have nothing to hide from our classmates since from the beginning, I never had their good opinion. I’ve nothing to lose if what she wants to talk about is embarrassing.
“Gi, baka anong isipin sayo ng mga kaklase natin kung maririnig nila ang pag-uusapan natin,” pagpupumilit pa niya. “Kaya mas mabuting lumabas muna tayo.”
“Ikaw may kailangan sabihin sa akin Michelle. Not the other way around. I don’t much care for what they think of me,” sabi ko na lang.
“Fine. Ito lang rin naman ang sasabihin ko eh,” huminga siya ng malalim na parang nag-ipon ng lakas ng loob at pasensya. “Wag mo nang landiin si Ryan. Oo na, ikaw na matalino at maganda. Wag mo nang idagdag sa listahan ng katangian mo ang pagiging malandi.”
Napanganga ang mga tao sa paligid. I have to admit, I wasn’t expecting that much of an outburst. Alam ko na tungkol kay Ryan ang sasabihin niya. Pero ang sabihing nilalandi ko si Ryan? “Bakit? Ako ba nagtetext sa kanya para ayain siyang kumain sa labas? Ako ba ang nagpupumilit sa kanya na ihatid sundo ako sa coffee shop?” tanong ko nang nakangisi. “Besides, what right do you have to tell me not to flirt with him? Girlfriend ka ba niya, ha Michelle? Dahil sa pagkakaalala ko, ang sabi mo, wala kang planong sagutin si Ryan, nag-eenjoy ka lang utuin ka. Oo , rinig ko nung sinabi mo yun dati. Tsaka sa pagkakaalam ko, matagal ka ng tinigilan ni Ry. Di na siya nanliligaw sa yo,” pagpapamukha ko.
YOU ARE READING
Miss Independent
Short StoryA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)