Gianna's POV
Summer classes started with me struggling with my subjects. Since advance subjects ko, kung sino sino lang classmates ko. Lalo na sa Business Law at Philo. At least madali dali na lang ang Speech subject ko. Thank God wala na akong minor na classmate si Ryan. I honestly don't want anything to do with him.
Papalabas ako ng room nang mapansin kong parang uulan. Shit! Summer pa, uulan na?! Di ko pa naman dala ang sasakyan ko at lumipat na ako sa bahay namin dito sa syudad. I saw the lightning behind the dark clouds and the rain started to fall.
Nagmadali akong bumaba ng building at pumunta sa likod gate. Sana lang ay may nakaabang na taxi dun. Ang rami ring naghihintay. Pucha ngayon pa lobat ang phone ko. Di tuloy ako makagamit ng Grab.
There was a haphazard taxi waiting line. I had no choice but to comply. Hanggang sa may pamilyar na sasakyan na lumabas ng gate galing sa second level ng parking lot sa bagong building.
Bumukas ang bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang mukha ni Ryan. Ba't ba sunod sunod na kamalasan to.
"Sakay!" pasigaw niyang utos. It was obvious that he'd been drinking. But do I have a choice? I knew he could still drive but could I really stand being in his company? "Ano pa bang hinihintay mo? Ang rami pang nakasunod na sasakyan oh!" I barely noticed the cars sounding their horns at the back. Wala akong nagawa kundi tumakbo patungo sa saskyan niya.
He was about to make a right turn towards my dorm but I stopped him. "Di na ako sa dorm nakatira. Sa bahay namin dito sa syudad. Sa Executive Village."
Tumango na lang siya at iniba ang direksyon ng sasakyan. Habang nasa byahe kami, lalong lumakas ang ulan.
Tahimik lang kaming dalawa. No one dared start talking. Nang makapasok na kami sa village, tahimik lang akong nagsasabi ng "left" at "right."Nang makarating kami sa tapat ng bahay, hindi ako agad nakalabas. It was so damn awkward. "Salamat sa paghatid."
Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan na naman ako ni Ryan. "Please Gi," he begged. Though it seems were both not sure what he's begging for.
"Ry, please. Don't do this." He let go of my hand and sighed loudly. May kuniha siya sa backseat na malaking payong. Lumabas siya para payungan talaga ako. Nakakakonsensya naman tong taong to. Ang hirap tiisin kung gumaganyan sya.
Sinamahan niya talaga akong magbukas ng gate at inihatid sa loob. Walang tao kasi di stay in ang katulong dito. Ewan ko ba sa lalaking to at sumama pa talaga sa loob. Pareho kaming nabasa dahil sa ulan kahit may payong. Sobrang lakas kasi.
"Magbihis ka na lang muna. You can use Tito's clothes," I offered. Nanginginig kasi siya sa lamig. "If you want something to drink, just find the kitchen. Kunan muna kita ng damit." Tumango lang siya kaya umakyat na ako sa taas.
Nang buksan ko ang closet ni Tito, nabigla ako sa konti ng laman. Mukhang damit niya pa to nung di pa siya mayor and that was a long time ago. I grabbed some baggy shorts that went out of style years ago and a faded blue shirt.
Nang makababa ako, agad akong dumeretso sa kusina. I could here and smell the coffee brewing. Naabutan ko si Ryan dun na wala nang suot na t-shirt. And his jeans were hanging low on his hips. "So...sorry. Masyado na ka...sing malamig eh. "
Umiwas ako ng tingin. My God! He was ripped! The abs and the vline were like screaming at me to look at them. Demanding me to stare at their greek god perfection.
I went near him hesitantly. Inabot ko ang damit. "Heto oh. There's a comfort room down the hall. Pwede ka na dun magbihis," sabi ko nang nakatitig sa kanyang mata. It was a challenge not to move my gaze lower.
Tinanggap niya ang damit but what he did next caught me off guard. Pinatay niya ang coffee maker at inilagay ang damit sa counter. Hinila niya ako palapit sa kanya at isinandal sa counter. "Ry-" hindi ko natapos ang sasabihin ko sana dahil siniil niya na ako ng halik.
Author's Note:
I started typing this during philo class. Sorry kung ito lang muna ngayon. Been busy these past few days.NEXT CHAPTER IS PRIVATE!!!
You know what to do!!!
YOU ARE READING
Miss Independent
Cerita PendekA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)