Gianna’s POV
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop kasama si Bianca. Kakasimula pa lang ng sem ang rami ko ng pinagkakaabalahan. Anong bang nakain ko nung itong kursong to pinili ko. Ang rami ko tuloy major subjects. Kainis!!! I mean damn. Three majors and minor subjects with teachers who feel they’re major subjects? It’s enough to drive any student insane.
Mabuti na lang at nandito si Bianca. Pareho lang kami. Ako may quiz sa cost accounting ko bukas, siya naman, may case study sa managerial economics niya. Mabuti pa si Cindy, wala masyado pinoproblema ngayon. Magmamadaling araw na at nandito pa kami ni Bianca sa coffee shop. Mabuti na lang at kakaunti na lang tao. Nasa ikatlong baso na ako ng cappuccino habang siya naman kanina pa kain ng kain ng cake.
I was listening to a song on my phone while trying to rest my eyes for a while. Kaninang tanghali pa kasi medyo Malabo mata ko kahit wala pang six months salamin ko. Biglang bumukas ang pinto at pansin ko yun. Nasa may pinto kasi kami ni Bianca. “Gi,” sabi nung bagong dating.
Di ko pa siya nililingon alam kong si Ryan na yun. Siya lang kasi ang lalaking tumatawag sa akin nun. As if close kami. Sabay kami ni Bianca na mapaangat ng tingin sa kanya. “Ano?” irritable kong tanong. Kanina pa talaga ako irritable. Wala na ako masyadong maintindihan sa binabasa ko at may asungot pang dumating.
“Eto naman. Wala pa nga akong ginagawa, naiinis ka na,” natatawa niyang sabi. Magkaharap kami ni Bianca sa lamesa at nakita naman ni Ryan na may kalakihan kami ng table dahil medyo marami kaming dala. Siya may laptop at ako naman ang raming papel na nagkalat. Biglang hinila ni Ryan ang upuan sa tabi ko at umupo siya dun. Ang kasama naman niyang lalaki na kanina pa tahimik ay nakatitig lang kay Bianca. Mukhang pamilyar ang lalaki pero di ko maalala kung saan ko siya nakita. Schoolmate rin siguro namin to. “Gi, si Michael pala, kaibigan ko. Mike, si Gianna, kaibigan ni Michele at partner ko at classmate ko sa Rizal.” Tinanguan ko lang yung kaibigan niya at ibinalik na ang atensyon ko sa libro ko na kanina ko pa pilit binabasa. “Gi, di mo ba kami ipapakilala sa kasama mo?” tanong niya.
“Pwede ba Ry? Kitang busy yung tao,” iritado ko pa ring sabi. Tiningnan niya lang ako nang nang-aasar. “Ughh. Si Bianca yan, kaibigan ko. Masaya ka na?” tanong ko.
Di na kami pinapansin ni Bianca. Nakaearphones kasi siya, baka di na kami naririnig. Natigilan naman si Michael nung marinig ang pangalan ni Bianca at pinandilatan niya ng mata si Ryan. Wala naming pakialam si Ryan at ngumisi lang. “Gi, may gusto ka pa bang kainin?” tanong niya. Akala mo naman manglilibre.

YOU ARE READING
Miss Independent
Short StoryA story of how a typical college girl's life got messed up because of a guy. Thank you Chantalah for the new cover :)