Chapter 24

4.6K 149 7
                                    

Sorry po sa last UD dahil bitin. Huhu Kakamatay lang po kasi nina Mimi, momo at junjun. Yung alaga kong hamsters. Sobrang nakakadepress po talaga dahil sila ang nagpapasaya sakin. Chosss haha anyway, salamat!♥♥

-----^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^--------

"My God! Last month?!" Bulalas ko matapos ang mahabang katahimikan.

"What's wrong with that nadz?" Lari asked

"Basta. Bastedin mo yun." Pag uutos ko sa kanya.

"Ang harsh mo naman." Nakayukong sabi ni lari at parang iiyak pa. Jusko!

Three days ago bago ako masaksak ay nakikita yung lintik na Andrei na yun. Walang ginawa kundi lumingkis ng lumingkis sa iba't ibang babae sa pool. Akala ko pa naman gentleman, yun pala gentledog!

"Lari, kilala ko rin yun. Ex ko kaya yung si Andrei, Playboy nga yon. Isang araw nga lang ang itinagal namin eh. Matagal tagal din niya kong niligawan tapos ganun ganub na lang siyang makikipagbreak?! Maybe, he only like the chase. Challenge and adventure ang gusto ng lokong yun." Nanggagalaiting sabi ni Bea habang inaala ang nakaraan.

Hugot? Bitter? Whatever!

"Narinig mo na?" Sabi ko kay lari.

"Hindi! Sinisiraan niyo lang siya kasi gwapo siya! Ang dadaya niyo! Gusto niyo kayo lang ang may Syotang gwapo!" Sigaw niya bago magmartsa sa palabas ng kwarto.

Natawa kaming lahat sa sinabi niya.

Pero natigil yun ng sumeryoso ang usapan.

"It seems like we really need to break her heart ng hindi siya nagagalit satin." Kell said while smirking.

Oh Uh.

"So... What's the plan?!" Mara.

"We need to................" binulong samin ni kell ang lahat.

Good Idea.

But.

"Mga bruha! Paano ako aaksyon kung hindi pa gumagaling ang sugat ko." Parang batang sabi ko.

"Wag kang mag aalala, iintayin naming gumaling yan." Sabi ni Bea

Pagkatapos ng halos limang oras ay nagpagdedisyonan na nilang umuwi.

Napangiti ako dahil alam kong nag alala parin sila sakin kahit papaano.

Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking takot na mawala ako sa buhay niya hihihi.

Napangiti lalo ako nang makitang may dala siyang mangga na kagabi ko pa hinihiling.

"Oh yung mangga mo! Para kang naglilihing buntis." Naiiritang sabi niya.

"Nung problema mo?" Sabi ko

"Wala!" Sabi niya at umupo sa sofa na parang nahihirapang huminga, naka kuyum ang mga kamay niya na parang nagagalit.

"Kung nagagalit ka dahil nagpabili ako ng mangga. Dapat di mo nalang ako binili!" Sigaw ko.

Nagulat siya at lumambot ang ekspresyon.

"No. No. Hindi naman dahil dun yun. Hindi mo na kailangang malaman, Its not important baby."

Malambing na sabi niya sakin.

Nagulat ako ng sobra sa endearment niya, Ibang iba sa 'honey' na tawag niya sakin.

This time, He's serious.

-----

Binabalaan ko kayo.

Bitin ang UD! Hahaha

Kaya sa susunod po ay babawi ako, Finals na kasi.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon