Chapter 3

6K 178 8
                                    

Hello! Salamat sa Pagbabasa!

Vote

Comment

》》》》》》》》》》》》》》》》》》》

Nakatunganga si Nadine matapos umalis ng asawa.

Tsaka lang nag sink in sa kanya ang mga pinag gagawa niya.

Nanlaki ang mata ng dalaga at dali daling nagbihis.

"Shit! Oo nga naman! Bakit ko ba kasi ginawa yun?! Ano bang klase ng ispiritu ng kalandian ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na yun?" Ginulo niya ang buhok niya

"Baka naman mas type niya ang paconservative type na babae? Sheeet!! Epic Fail!" Sigaw niya at nag suot ng jacket para sundan si james.

"Pero nung nasa restaurant. Ang playful playful niya tapos ngayon naman ang sungit!" Maktol ng dalaga habang palinga linga sa beach.

Naglakad lakad siya para hanapin ito.

Nang nakita na niya ang sexy back na matagal na niyang inaasam ay agad siyang napatakbo papunta sa naglalakad na binata.

Ngunit ng palapit na siya dito ay parang nag slow motion ang takbo niya.

Medyo nagiging messy ang hair ng binata dahil sa lakas ng hangin sa dalampasigan.  Lahat ng tao sa beach ay malayo kung nasaan sila.

Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw nila,kumikislap ang tubig ng dagat at Parang may nangangarerang kabayo sa dibdib ni Nadine dahil sa lakas ng tibok nito.

"Inlove na ba agad ako sa kanya? Hindi ba pwedeng Crush or Like nalang muna?" Bulong ni nadine sa sarili

Lumunok ang dalaga at biglang nanginig ang tuhod niya

"What's wrong with me? " bulong ulit niya. Naramdaman ng binata ang presenya ng dalaga kaya napalingon ito sa kanya.

Nakakunot ang noo ng magsalita si james.

"What are you doing here?"

"Ahmm ano! Ah Nagpapahangin lang!" Kinakabahan ng sobra ang dalaga at hindi niya mapagtanto kung bakit.

"Sorry nga pala kanina." Sabi ni Nadine

Nakita niyang bahagyang tumaas ang sulok ng labi ng binata.

Nagsitayuan ang balahibo ni Nadine sa batok.

'Shit! Anong kagagahan ang feeling na itu?! 3 araw palang kaming magkasama but inlove na agad ako sa kanya! The Efff!'

"Its okay, Ayoko lang kasing may nagsasayaw na hipon sa harap ko. Hindi magandang view." Walang kagatol gatol na sambit ng binata at sinundan ng halakhak.

Biglang nawala ang Romantic Aura sa ulo ng dalaga at napalitan ito ng inis.

Lumaki ang ilong ni Nadine at dali daling naglakad palayo.

"Saan ka pupunta?" Tumatawa parin si james.

"Sa dagat! Hahanapin ko ang mga kauri kong Hipon!" Naiinis na sambit ng dalaga.

Maya maya pa at may biglang humawak sa kamay ni Nadine at automatically napatigil siya sa paglalakad.

"Bitawan mo nga ko!" Nag-iinarteng sabi ng dalaga na parang batang gustong maglaro sa playgroud ngunit hindi pinayagan ng magulang.

"Haha Ang Cute naman ng Hipon na hawak ko." Pabirong sabi ni James na nagpapula sa pisngi ni Nadine.

Hindi nakita ni James ang pamumula mg pisngi ng dalaga dahil sa medyo madilim na lugar.

Kinilig naman ang tumbong ni nadine dahil sa pag hawak ng kamay ni jamea sa kamay niya

'Cute?' Bulong ng dalaga sa isip niya

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon