Chapter 56

3.1K 101 19
                                    


++++



Minulat ko ang mga Mata ko at nagising ako sa kwarto ko.

Ilang oras na ba akong natutulog?

"Tekla!!" Sigaw ko



"Bakit?" Pumasok siya sa kwarto ko at sinenyasan niya kong wag maingay. Problema nito?

"Oo naman Bhaby Shimi Cutie Quo! iKh4w L@Ngs sUaP4T NuAh!!  Ahihihi" kilig na kilig na sabi niya sa cellphone.

"So ano na? Bukas Sogo tayo? Ahihi anlande mo bhaby shimi cute quo! Hihi...... Anuba! Harot mo. I lab you 2" Kinikilig na sabi niya at napapakembot sa sobrang saya pagkatapos ibaba ng phone niya.

Jusko. Lumalablayf din tong gurangers na to.

Sakit ng ulo ko. Hay.


"Anong nangyari saken tekla?" Tanong ko.

"Hinimatay ka kanina baket?" Sabi niya habang nagcecellphone.

Wala talagang galang tong matandang to sa amo niya. Napakalandi.


Naalala ko tuloy si Lola Bea at Lolo Jether. Hay. Kamusta na kaya sila? And tagal na naming hindi nagkikita.



"Ayy Nadine, may tumawag kaninang matanda." Sabi ni tekla.

"Sino?" Umayos ako ng pagkakaupo at hinilot ang ulo ko. Buti naman at maayos na ang mga mata ko

"Lolo mo daw siya. Jethro daw."

Jethro?

"Baka Jether?" Tanong ko.

Nag isip muna ang matanda at nagulat ako nung bigla siyang nangamot ng pwet niya tapos inamoy.

"Ligo Ligo din kasi pag may time"  asar ko sa kanya

"Ang Kapal ng facelak mo! Hmpp!" Inis na sabi niya bago umalis.

Pero wala pang ilang Segundo ay bumalik siya at may inabot sakin na papel. May number ito.



"Tawagan mo daw siya sabi ni lolo jether."

Kinuha ko ang papel at inamoy Ito. Bakit Amoy bagoong?




Gaya ng sabi ni tekla, Tinawagan ko lolo jether.


(Hija..) Malungkot na sabi niya

Napaluha ako. Miss ko na si lolo.

(Nadine Hija..)

"Po? Lolo bakit po?" Pinunasan ko ang luha ko.

(Hija.. Umuwi ka na dito)

Bigla akong kinabahan sa Tono ng pananalita ni lolo.


"Ano pong nangyari?"

(2 araw nang nakaburol ang asawa ko. Matagal ka na niyang iniintay hija).


Napatigil ang paghinga ko sa sinabi ni lolo. Hindi. Tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko. Mabilis ito.



Lola Bea.

"Lo? Hindi po totoo yan." Nanginginig na boses na sabi ko.

(Inatake siya nung malaman niyang ikakasal si James sa iba. Kaya umuwi ka muna hija.)


Uuwi ako.







--------





Pinilit kong makaalis sa bahay na yun. Dala Dala ko si Juris dahil matagal nang gustong makita ang apo niya.

Ang lola kong kalog.

Naiiyak akong nakatitig sa mansyon. Mukang malungkot Ito ngayon dahil malamlam ang mga ilaw at may mga bulaklak.

May picture pa dun ni lola na nakapakyu sign. Luh. Hanggang sa kamatayan talaga eh.  Lalo akong naiyak.


Pagpasok ko ay sumalubong si lolo sakin na malungkot.

"Sa kwarto niya." Bulong niya.

Ipinahiram ko muna si Juris kay lolo.




Dun yata pinili na iburol si lola. Ang weird ah.


Pagpasok ko sa kwarto ay bumungad sakin ang napakalakas na music.

"I DONT CARE EH EH EH EH EH I DONT CARE EH EH EH EH" Nakita ko dun si lola na nagsasayaw.


Jusko. Puro kalokohan talaga ang mag asawang to.

Akala ko talaga wala na si lola. Eto pala, buhay na buhay.

Pero may napansin ako sa kwarto ni lola.


May mga poster ni leahn Ayala. May picture dun ni leahn na nilagyan ni lola ng sungay. Yung iba nilagyan ng middle finger at yung ibang picture nilagyan ng bungi.

Napanganga ako nung nakita ko pa si lola na pinapana ang picture ni leahn sa pader.

"HEAD SHOT!" sigaw ni lola.

"LOLAAAA" Nilaksan ko ang Boses ko.

Napalingon si lola at mabilis na tumakbo papunta sakin at niyakap ako.

Nagyakapan kami at nagiyakan dahil sa miss na namin ang isat isa.

"Nadya apo! " tuwang tuwang sabi niya.

"La.." Maiiyak na sabi ko.

Naging seryoso ang aura niya. Parang naging masungit.

Hinaplos niya ang buhok ko at tiningnan ako sa Mata.

"Babawiin natin kung ano ang para sayo. Hindi ako papayag sa kasalan ng mukang paang leahn na yan at ng apo kong si James. Ako ang makakalaban nila! At mahirap kalaban si Bea Patricia Esperanza Consolacion Reid."

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon