Chapter 37

4.3K 145 19
                                    

This Chapter is Dedicated to : Tevarsss. Thank you for reading my story:)

Lovelots.

Hinigit ko ang malaking bagahe ko papalabas ng airport dito sa Australia.

Walang bakas ng ngiti na makikita sa mukha ko habang tinatahak ang daan kung nasaan ang sasakyan maghahatid sakin patungong condo ng asawa ko.

Kasama ko si Loren at Resha dito, sila ang mag-aalaga kay Juris kung hindi ko man siya madala sa Hospital.

Binuhat ko ang baby ko at pumasok sa kotse.

Ganun din sila Loren at Resha.

Tahimik kami hanggang sa makarating sa condo ni james.

Pero sila lang dalawa ang pinababa ko dahil pupunta muna kami ni juris sa Hospital.

"Ingat po kayo.." nakangiting sabi ni loren.

Tumango lang ako.

*

Naglalakad ako buhat buhat si Juris patungong sa room ni james.

Bawat hakbang ko ay masakit.

Parang hindi ko kayang makita siya sa ganoong kalagayan.

Nung malapit na kami ay biglang umiyak si baby ko.

Nararamdaman din siguro niya ang paghihirap ng daddy niya.

Naginit ang sulok ng mga mata ko at tuluyang binuksan ang kwarto.

Halos hindi ako nakahinga nung nakita ko kung gaano karami ang nakakabit sa katawan niya. May maliliit at malalaking tube.

Tumulo ang luha ko at umupo sa tabi niya.

Pero walang pinag bago ang mukha niya. He's still the most handome creature for me.

"Honey...." nabasag ang boses ko. "Honey ko..." tawag ko ulit.

"Pasensya sa kana ha. Ngayon lang kami nakarating kahit six months ka nang nandito.. "

"Hoy! Unggoy! Nanganak na ko! Eto na siya! Kainis! Mas kahawig ka pa niya kesa sa nagdala sa kanya ng ilang buwan.. Pag hindi ka gumising hindi mo siya makikita, At pag hindi mo siya nakita, magsisisi ka for sure." Umiiyak na sabi ko.

"Bwisit ka talaga noh?! Hilig mo talaga akong paiyakin! Pero mahal na mahal kita kaya ako ganito kadrama ngayon! Alam mo, konti na lang talaga, baka maitampok na tong kwento natin sa MMK! Sobra sobra na ang drama!" Saglit ko munang pinatahan si baby juris dahil pati siya ay nakikipagsabayan sa pag-iyak ko.

"Moment ko to bhe, wag kang sumali okay?" Sabi ko sa anak ko.

Mukhang naintindihan naman niya kaya bigla siyang tumahimik.

"Back to you hayme, Bakit kasi hindi ka nag-iingat?! Pag nagkaroon ka pa ng amnesia maglalaslas na talaga ko! Talagang matatampok na tayo sa Teleserye, Ang Title "Ang Paghihirap ng Dyosa". At alam mo ba? Miss na miss na kitang gago ka! Kung wala lang tubo diyan sa bibig mo, kanina pa kita hinalikan!" Bumagsak na naman ang luha sa dalawang mata ko.

"Nahirapan ako na wala ka! Kaya sa susunod na anak natin, wag masyadong exited ha? Gumising ka na.. I lab you plus infinty times one! Napanood ko yan sa Sinehan! 'Para sa mga hopeless Romantic'. Ginanapan ng Jadine, Yung sikat na LT ngayon. Kinilig nga ako eh." Bumuntong hininga ako at tinitgan siya.

"Oh baby, Nakikita mo yan? Yang panget na yan? Yan ang tatay mo, Hindi man kapani paniwala pero siya talaga ang tatay mo. " sabi ko kay juris habang tinuturo si james.

Mukang walang pakielam ang baby ko dahil tulog na.

"At ikaw james, Eto naman ang gwapo mong anak. Si Juris Angelo Reid. Magmahalan kayo k?" Sabi ko.

"Oh siya, iuuwi ko muna si Juris tapos babalik ako agad. " sabi ko kay james at hinalikan ang malamig lamig na palad niya.

*

"Oh hi! Nandito ulit ako! Musta na? Sup?" Sabi ko pagkabalik ko sa hospital, 60 min ang nakalipas nung hinatid ko ang baby ko.

"Nagtataka ka ba kung bakit madaldal ako? Eh para marindi ka at gumising na." Humagikhik ako.

"You know.. I miss you na.. Ang tamad mo, 6 months na tulog? Grabe! Di ko ata kaya yan! " sabi ko ng pabiro.

"Dapat maging masayahin ako at hindi puro pagdadrama dahil wala din namang mangyayari." Tawa ko at hinawakan ang kamay niya.

Naluha na naman ako. Tangna talaga oh!

"Tae! Mahal na mahal kita! Hindi ko mapigilan nag hindi umiyak tuwing nakikita ko yung Tangnang mga tubo na nakakabit sayo. Hindi ka ba nahihirapan?" Umiyak na naman ako leche! Hindi dapat ganito.

Nanatili siyang walang imik at tanging tunog lang ng monitor ang naririnig ko.

Tumahimik ako at pinagmasdan siya.

"Gumising ka na please..." pagmamakaawa ko habang hawak gawak ang kamay niya.

Tinitigan ko siya ng ilang mga oras.

Hinding hindi ako magsasawang tingnan ang maganda niyang mukha.

Lumabas muna ako saglit sa kwarto niya at nagdesisyon na bibili muna ng bulaklak.

Hindi pa ko nakakahakbang ay may narinig akong mahinang iyak.

May nakita akong babae na naka upo sa sahig at parang hinang hina.

Parang hihimatayin na nga ata.

Nilapitan ko siya at tiningnan. Mukang pilipina to ah.

"Uh miss. Filipina ka ba?" Nag aalangang tanong ko.

Nag angat siya ng tingin sakin at muntikan na kong himatayin sa sobrang ganda niya.

Putsa! Taena!

"Oo! Huhu! Buti nalang at dumating ka!" At walang pagdadalawang isip na ipinunas niya ang sipon sa damit niya.

Tumayo siya at tumingin sakin ng naiiyak.

"Huhuhu nasaan na ba ko?! Bakit puro sila inglish ng inglish? Tapos alam mo ba na yung buhok nila ay kulay yelow? Huhu di ko na alam ang gagawin ko! Miss nasa manila na ba ko? Ganito ba ang itsura ng mga tao sa manila? Kailangan na bang masanay na ko? Huhu." Mahabang sabi niya at maraming tanong pa.

Ako naman ay literal na napanganga.

Di ko alam kung paano sasabihin na nasa australia siya.

"Ummm miss. Nasa Australia ka." Sabi ko.

Agad nanlaki ang mga mata niya at humagulgol ng iyak.

Naiintindihan ko naman.

"Bwisit na Daniel Padilla yan! Niligaw niya ko! Hayop siya! Ano bang parte ng manila ang australia? Alam mo ba kung paano ako makakauwi sa Nueva Ecija?" Umiiyak na sabi niya.

Omg, wala akong masabi sa kanya.

"Ano bang pangalan mo miss?" Tanong ko sa kanya.

Pinunas na naman niya ang sipon niya sa damit niya. Kaya binigyan ko siya ng panyo.

"Kathryn Bernardo, 19 year old. Nakatira sa Nueva Ejica. May dalawang aso, tatlong pusa, limang daga. May bukiran, may 67 na pant----" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Okay na Okay na" nakangiting sabi ko.

She's cute.

"Kasi miss, Nandito tayo ngayon sa Australia. Ibang bansa to, Tapos wala na tayo sa pinas. " paliwanag ko.

Nung maintindihan niya ay agad siyang napaiyak.

"Papatayin ko talaga ang Daniel Padilla na yan! Huhu!" Nagpapadyak siya sa sobrang inis.

Napatingin ako sa wrist watch ko.

"Miss saan ka ba nakatira?"tanong ko.

"Sa nueva Ecija nga." Umiiyak na sabi niya.

Ok. Understood na walang siyang bahay dito.

"Samahan mo ko bumili ng bulaklak para sa asawa ko?" Nakangiting tanong ko.

Agad naman siyang tumango at sumama sakin para bumili ng bulaklak.

********

Okay, hahaxd.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon