Chapter 11

4.7K 150 8
                                    

Dedicated to :  Pheena, Aizelle, Jomari, John and Bea.

Prosperous 2015 for JaDine! And to all Jadine's!

------

Nakauwi kami sa bahay nang nag-aasaran. Dapat yata ipadala ko na itong si James sa Mental. Nag mamacho dance siya sa harap nang TV eh alam naman niyang nanonood ako.

"Umalis ka nga sabi! Nanonood pa ko ng Forevermore!" Sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan sa ulo niya, kinuha niya ang unan. Nakahinga ako ng malalim nung aakma siyang aalis.

Sa gitna ng panood ko ay super kilig na scene na eh biglang nagblack out. Namatay ang TV at ilaw.

"Shocks! James! Nagblack out yata! Nasan ka ba?"

Wala akong makita kaya kapa ako ng kapa kung saan saan.

"James!!" Umirit na ko dahil sa takot.

Baka mamaya, nandito na pala si Sadako o kaya yung evil sa Evil Dead.

"James! Isa pa! Pupugutan kita ng ulo!" Sigaw ko sa kanya ng may kahalong galit.

Bwisit na james yan! Magiging bingi nalang wrong timing pa.

Nanga pa ako ng nangapa hanggang may makapa akong matigas na medyo may pagkamalambot. At mainit init din ito at humihinga din at nagsasalita din.

"Ang tapang tapang mo kapag madilim. Takot ka naman sa dilim" nang-aasar na sabi niya.

Ugh!

Nararamdaman ko din ang pag ngiti niya dahil kinapa ng isa kong kamay ang mukha niya.

"Nag eenjoy ka ba? Oh kulang pa? Kailangan ko pa bang hubarin ang boxers ko? Swerte mo, ang ABS at mukha ko nahawakan mo na." Mayabang na sabi niya.

"Grabe! Whooo! Feeling ko bumalik ang bagyong Yolanda!" Naiinis na sabi ko sabag tulak sa kanya.

Nung tinulak ko siya ay hinawakan niya ang kamay ko kaya ayun! Sabay kaming bumagsak sa malambot na something.

Ghad! Ano ba itong nangyayari?

Ramdam na ramdam ng tiyan ko ang ABS niya!

Walang hiya kang Bilbil ka! Naunahan mo pa kong kapain ang abs ni james ng bongang bonga!

Napailing ako sa iniisip ko.

This cant be.

Palagi nalang akong napaghahalataang uhaw na uhaw sa kanya kaya siguro humahangin ang ulo ng lalaking to.

Kaya kailangan mawakasan ang pagiging baliw niya at bumalik na sa dati.

Pero paano?

Nawala ako sa pagmumuni muni nung narinig ko ang malalanding tawa ng isang babae.

Babae?!

"Sino yon? Walangya ka talaga. Pati dito nagdala ka ng babae mo." Mariing bulong ko kay james habang nakapatong ako sa kanya.

"Huh? Babae? Wala naman ah!" Pabalik na bulong niya sakin.

Nanlamig ako.

Baka... baka multo yun.

"Meron kaya." Natatakot na bulong ko.

Yumakap ako sa kanya.

Tumawa na naman yung boses babae.

Muntikan na kong umirit pero pinigilan ko lang dahil baka malaman ng multo kung nasaan kami.

"Narinig mo na?" Nagigimbal na tanong ko sabay higpit ng yakap.

"Narinig ko na. Kanina pa tayo magkasama kaya alam mong wala akong dinala na babae."

"Edi sino yun?"

"Malay ko." He said tapos niyakap din ako pabalik.

Ano to? Yakapan in the dark while the ghost is there? Ganun?

Pero kahit natatakot ako ay kinikilig pa din.

Nung bumukas ang ilaw ay biglang umirit yung babae bung makita kami ni james sa ganitong sitwasyon.

"No! This cant be! James! You told me you'll wait for me! Sabi mo Forever tayo!" Umiiyak na sabi nung babae.

Nagulat si james nung nakita yung babae kaya nagulat na din ako.

"What are you doing here Ellen?!" Sigaw ni james.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon