Chapter 46

3.8K 117 22
                                    

This Chap is dedicated to: Kulitz_15 and shaneSilva2121♥



Nadine Reid.






Ang hot ko talaga pag bagong gising.

May panis na laway pa ako sa gilid ng bibig.

Naghilamos ako at nagtoothbrush. Pagkatapos ay nag mini shower muna ko para fresh ang morning. Sinuot ko ang pag jogging kong outfit bago bumaba.

Its 5:00 in the morning.

Si james ay tulog na tulog parin. Pagod kagabi hihi.



Kailangan kong mag exercise para naman gumanda ng gumanda ang built ng katawan ko. Lam niyo na, hindi pupwedeng wala akong panlaban sa mga hitad na lumalandi sa asawa ko! Muhahahaha.

Magdala ako ng tubig bago lumabas. Nag warm-up muna ko saglit bago nagsimulang mag jog.

Ang fresh ng air...



Napapikit na ako sa sarap ng hangin na humahaplos sa balat ko.



"What the fuck?!!!" Napamulat ako dahil may nabunggo akong lalaking matangkad.

Awww. Sakit sa ilong mga dre!

Magnonosebleed ng di oras ang ilong ko shet.

Hawak hawak ko ang ilong kong tumingala sa kanya..

♡_♡ Shiz na malagkit. Nakabunggo ako ng gangster na pogi!

May piercing ang tenga niya at nakasandong puti siya. Matigas ang anyo niya habang matalim akong tiningnan.

"Look what you've done." Matigas na sabi niya at itinuro ang dugo sa sando niya.

Omg. Kinapa ko ang ilong ko at literal na may nakita akong dugo doon. Lumabo ang paningin ko at tiningnan muli ng mabuti ang kamay kong pinanghawak sa ilong ko.

May dugo talaga.




Ang bilis ko naman mag nosebleed ngayon. Dati kahit anong suntok ng kapatid ko sa ilong ko, wa epek.

"Tss." Maikling sabi niya bago magsimulang nagjog na parang walang pakielam sakin.

Sinundan ko ng tingin ang likuran niya pero nanlabo na naman ang paningin ko at napaupo ako sa kalsada.

Shit..

Eto na naman.

Lagi nalang nangyayari sakin to. This past few weeks. Lagi akong nahihilo at minsan ay gigising ako ng may maliliit na pasa sa leeg at hita. Hay, di ako binubugbog ni james ah.

Ano ba? Nasobrahan ba ng lamig ang ulo ko kaya pinasok ng hangin?

Mabubulag na ba ko?

My gosh. Baka di ki masilayan ang kagwapuhan ng anak ko paglaki niya!

Pinikit pikit ko ang mga mata ko pero ang labo parin.

Naramdaman ko nalang na bigla akong umangat.

Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay kilala ko ang taong bumuhat sakin.

"Are you okay?" Malambing na sabi niya bago hinaplos ang ilong ko.

Pinilit kong ngumiti sa kanya at niyakap ang leeg niya.

Ang bango ng asawa ko.

"Next time, pag aalis ka, isama mo ko." Nagsimula na siyang maglakad pauwi sa mansyon.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon