Chapter 26

4.9K 137 7
                                    


Nandito naman ako ngayon sa tennis court, pawis na pawis ang buong mukha ko at medyo kumikirot ng konti ang saksak ko.

Nasa kabilang banda siya ng net at hinahagis ang bola sakin.

"May kabigatan ang bola. Mag focus ka para di ka matamaan.!!" Sigaw siya mula sa kabila.

Tumango lang ako at inintay na maghagis siya ng bola.

Kanina pa kami dito. Mga 5 hours ko na siyang mentor.

Nung hinagis na niya ang bola ay finocus ko ang mga mata ko sa bolang yun. Papunta siya sa bandang kanan kaya sinundan ko siya ng tingin habang natakbo pero nawala ang focus ko nung nahagip ng mata ko ang galit na taong nakatingin sakin.

Galit na galit siya.

"Nadine! Bumagsak na!" Sigaw ni Allen mula sa kabila.

Ngunit nakatingin parin ako sa lalaking galit sakin. Shit! Ni hindi ko magawang mabanggit ang pangalan niya.

Lumalapit na siya sakin at wala akong nagawa kundi umatras.

Guilty akong tumingin sa mga daliri ko nung naalala ko ang sinabi niya kaninang umaga.

"Wag ka munang umattend ng tennis class mo ngayon. Dont ever leave this house understand?"

Umaalingaw ngaw ang boses niya sa utak ko hanggang sa nakalapit na siya sakin.

Pati si Allen ay tumatakbong lumapit kung nasaan kami.

"Diba sinabihan na kita na wag kang aalis ng bahay?!" Galit na tonong sabi niya.

Nanatili akong nakayuko.

Shizzz!

"Maayos naman na-----" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang pag igting ng panga niya.

"Fuck! Nasan ba ang utak mo nadine?" Galit parin siya.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Teka.. Dude, babae yang sinisigawan mo." Pakikisabat ni Allen

Jusko po! Nakisali pa!

Lalo lalong magagalit to

"Bakit?! Sino ka ba?" Sigaw ni james kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

Nanlilisik na ho ang mata ng asawa ko at signal na ito na dapat ko na siyang pigilan.

Pero! Paano ba? Natatakot akong hawakan ang balikat niya.

"Mentor niya ko." Simpleng sabi ni Allen.

Narinig ko ang galit na pagtawa ni james.

"Wag kang mangielam dito. Mentor ka lang niya." Nakangising sabi ni james.

"Bakit ano ka ba niya?" Medyo naiinis na tanong ni Allen.

Tumahimik ang paligid at narinig ko ang mabilis na paghinga ni james.

Kinabahan ako sa isasagot niya.

"Akin siya." Mariing sabi ni james

Alam kong hindi tamang kiligin sa nangyayaring ito pero di ko maiwasang kiligin sa sinabi ni james.

Akin siya. Akin siya. Akin siya.

Pinigil kong wag tumili.

Nakita ko ang pagkagulat ni Allen sa sinabi ni james. Tumingin lang si Allen sakin na nagtatanong. Tumango ako bilang sagot.

"Wag kang makisawsaw sa away mag-asawa." Naging galit na ulit ang boses ni james nung bumaling siya sakin.
"At ikaw.. Bakit ba napakatigas ng ulo mo?" Frustrated na sabi niya.

Eto na naman.

Naramdaman ko nalang ang pagbuhat sakin ni james na parang kasal.

Pinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya pang suporta.

Nagsimula siyang maglakad papalabas ng court. Bakit ba ganito siya?

Ambango niya~~~

"Look at youself, you're pale nadine." Mahinahong sabi niya at hinarap ako sa salaming nadaanan namin palabas ng court. Buhat buhat niya parin ako.

Nakita ko ang pawis na pawis kong mukha na namumutla.

Unti unti kong pinunasan ng kamay ko ang pawis pero pinigilan niya ko.

Nung nakapasok na kami ng kotse ay kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mukha ko.

"Ngayon lang ako nagpunas ng mukha ng babae. Ngayon lang ako nagbuhat ng babae. At ngayon lang din ako nagalit ng dahil sa pag-aalala." Kagat labing sabi niya.

Napatitig ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Imposible. Napaka babaero mo kaya!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Di ko nga alam kung bakit ginagawa ko to eh. " nalilitong sabi niya.

"Baka mahal mo na ko!" Pabirong sabi ko pero kinabahan ako nung nakita kong seryoso ang kanyang gwapong mukha.

Umiwas siya ng tingin.

"Sa susunod kasi, susundin mo ko" Seryosong sabi niya at nagsimulang magdrive.

Medyo nadissapoint ako kasi hindi niya pa kayang aminin!

Pero di bale, nagkakaroon naman na ulit ako ng pag asa na mahal na niya ko. Wala talaga akong kasawa sawa, ganito kasi ako magmahal.

Nung nakauwi kami ay binuhat na naman niya ko hanggang sa makarating sa kwarto ko.

Binaba niya ko sa kama.

Tinitigan ko siya at ang lips niyang humalik sakin kahapon. Ang pinkish ng lips niya.

Ang lips. Ang lips. Ang lips.

Biglang umangat ang dulo ng pinkish lips niya kaya umiwas ako ng tingin.
Mahirap na, baka lumaki ang ulo ng lokong to.

Pero hindi ko napigilan at napatingin ulit ako, Sheeeet!

Bakit parang nang-aakit ang ang lips niyang yan?!

Pumikit na ko at hinanda ang lips ko , nag intay ng ilang minuto pero wala parin.

Minulat ko ang isa kong mata at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa habang hawak hawak ang phone niya.

Pinicturan niya ko?

"Pfft! Hahahahaha mukha kang balyenang pinag kaitan ng tubig hahaha" halos mamatay siya sa pagtawa.

Tumawa din ako, Sarcastic laugh at sinasabayan ko siya sa pagtawa habang nagmamake face ako.

"Grabe! Haha" nanggigigil na sabi ko

"Kung gusto mo kong halikan, sabihin mo hindi yung bigla kang ngunguso dyan! Hahaha" walang humapay parin po ang pagtawa niya.

"Tss. Napakababaw mo naman" masungit na sabi ko.

"Pahiya ka lang kasi! Haha"

Nag init ang pisngi ko.
Kumuha ako ng unan at binato ko siya.

"Umalis ka na nga dito! "

"Magpahinga ka na." Natatawang sabi niya bago isara ang pintuan ko.

Damn! Nakakahiya naman yun!

~Ikaw parin pala ang hanap hanap parapap na kahit magpanggap di matatago na ang yong yakap ang hanap hanap parapap pap~

Sinabayan ko ang ringtone ko bago ko tingnan kung sinong nagtext.

(Hello! Are you okay? Save my num.
-Allen Marco)


Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon