This Chap is Dedicated to : JaddyLenin.
************************************
"Maam Nadine, Saan niyo po dadalhin si Baby Juris?" Punyeta naman oh! Puro tanong nalang eh.
"Bakit ba puro ka tanong ha?! Katulong ka lang dito! Wala kang karapatang itanong kung anong gagawin ko sa buhay!" Singhal ko sa kanya bago binuhat ng tuluyan si Juris.
Isa pa tong lecheng batang to. Iyak ng iyak! Nakakarindi.
"Tumahimik ka. Pupunta tayo sa daddy mo." Sabi ko sa kanya.
"Hoy kayo! Sumama kayo sakin. Dalhin niyo tong lecheng batang to. Pupunta tayo sa Hospital. Dadalawin natin ang Asawa ko!" Padabog kong inabot si Juris dun sa katulong na Wavy ang buhok.
"Dahan dahan naman po maam. Baka masaktan si Baby Juris." At talagang sinaway pa ko ng walang kwentang katulong na to.
"Inuutusan mo ko?! " galit na sabi ko sa kanya.
"Anak ko yan syempre! Alam ko kung masasaktan yan o hindi."
Yumuko nalang siya. Tss. Inirapan ko siya bago sumakay sa Driver seat.
Nakita ko siyang hindi kumikilos.
"Hoy! Ano pang tinatanga tanga mo dyan?!" Sigaw ko sa kanya. God! Napaka tanga naman ng katulong na to!
Nung nakarecover siya ay agad siyang sumakay sa kotse dala dala ang bata.
"Sa susunod, Ayoko ng kukupad kupad kumilos ha? Makakatikim ka talaga sakin!" Galit na sigaw ko bago pinaandar ang kotse.
Pag dating namin sa Hospital ay nanguna akong Pumasok.
At yung tangnang bata, hindi parin tumitigil sa pag-iyak kaya pinagtitinginan na kami ng mga nurse.
Lumapit ako sa katulong at tinakpan ko ng kamay ko yung bibig nung bata para hindi na umiyak.
"Maam. Tama na. Baka hindi makahinga si baby." Marahang sabi nung katulong at pilit na inilalayo ang bata sakin.
"Edi patahimikin mo! God! Nakakahiya ang batang yan!" Sabi ko at iniwan sila dun.
Ugh!
Pag pasok ko ng room ni james ay napalitan ng kasiyahan ang iritasyon ko sa bwisit na batang yan.
Nakangiti ko siyang sinalubong ng yakap.
"Honey.. " masayang sabi niya sakin.
Gosh! Im so kinikilig! I cant believe it! He called me honey.
Hinalikan ko kaagad ang lips niya.
This guy is mine.
Nagrespond siya agad kaya mas lalo kong nilaliman ang kiss. Im a good kisser.
Pero pinutol niya ang halik at tumitig sakin.
"Wow. I did'nt know you can be this aggressive in kissing." Hingal na sabi niya ng may bahid ng pagkagulat.
Ngumiti ako at umupo sa lap niya.
"Of course.. I can do everything for you." Nang-aakit na sabi ko.
Ngumiti din siya pabalik.
God! He's now mine! Finally Mine!
"Nasan si Juris?" Nag-init agad ang ulo ko nung hinanap niya agad ang punyetang batang yan.
"Ah. Nandyan lang!" Sabi ko at akmang hahalikan ulit siya. Pero umiwas siya kaya lalong uminit ang ulo ko sa pesteng batang yan.
"Anong dyan lang? Gusto ko siyang makita." Umalis ako sa lap niya at pilit siyang nginitian.
BINABASA MO ANG
Partners For Life(JaDine)
FanfictionJadine♣ Si Nadine Lustre- Maganda, mayaman, sosyalera at may pagka kalog. Nasa kanya na ang lahat nung biglaang nalugi ang business ng pamilya niya ng dahil sa kakasugal ng mga ito. At sa isang iglap, nawala ang lahat sa kanya including her friends...