Epilogue

4.1K 102 26
                                    

Dedicated to all Jadine Fans

Salamat sa mga sumoporta! Whoop labyuuuu

Mga silent dyan, comment kayo haha

*********

Nadine Lustre

Ngayon ang kasal Nina James at leahn Ayala. Hindi parin mawala ang titig ko sa isang envelope ng invitation ng kasal nila.

Kingina nagawa pa talaga nila akong imbitahin sa burol ng puso nilang dalawa?! Sobrang sakit sakin kasi pakiramdam ko, pinapamukha pa nila na eto sila ngayon.

Eto namang si Lola parang tuwang tuwa pa sa kasal ng apo niya sa ibang babae.

"Ihanda niyo ang karwahe ko papunta sa engrandeng kasalan ng apo ko!" Irit niya

Akala ko ba Lola sakin ka kakampi?

Pero sabagay, si James naman ang kadugo niya at hindi ako so wala akong karapatan.

Nagkasalubong kami ni Lola sa hagdan habang todo ang pag eemote ko.

Halatang nagulat siya at napahawak pa sa dibdib niya.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Gulat na tanong niya

"Hindi ako sasama Lola. Kayo nalang. Enjoy." Walang gana at naiiyak na sabi ko.

Nanliit ang Mata niya.

"So ano affected ka pa sa kanila?" Inis na sabi niya.

Nanlumo ako.

Hinawakan ni Lola ang balikat ko at matapang along tiningnan sa Mata.

"Inaasar ka ni leahn. Kaya pumunta ka, palakpakan mo, tapos irapan mo. Wag mong ipakita na lugmok na lugmok ka dahil sa kanya!"

Napahinga ako ng malalim.

"Eh kasi Lola, mahal ko pa si James at parang ang sakit makita sa mismong dalawang Mata ko ang kasal nila." Tumulo ang luha ko

Napakurap si Lola.

Lumingon siya sa likod.

"Innah! Labinnah!" Sigaw ni Lola.

Nakailang sigaw pa siya pero walang dumating na labinnah.

Humarap sakin si Lola at nag roll eyes. Halatang nagtitimpi.

"Nakikipag usap na naman yon sa syota niyang si Andrew. Buong araw na magkausap hanggang dine ba naman mag uusap parin?"

Familiar ang name na adrew. San ko ba narinig?

"Umm.. Sino yon la?" Tanong ko

Kaso nung sasagutin na ni Lola ng biglang may sumigaw mula sa likod niya

"Yes madame?" Magalang na sabi ng isang napakagandang babae. Morena siya katulad ko, matangkad, pointed nose, thin lips at may nunal sa ilalim ng kaliwang Mata. May napansin din along white bracelet na may cross sa kamay niya

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon