Chapter 9

5K 158 4
                                    


This Chapter is Dedicated to: Jadine_Studies.

Sorry dahil natagalan ang Ud! Busy kasi sa Periodical exam^^ Mian!

-----

2 linggo na matapos ang naganap na halikan namin ni James.

Pero parang wala lang sa kanya yun.

Kung ako, panay ang iwas at laging nahihiya. Siya naman ay parang wala lang at normal lang ang kilos niya. Tawa pa siya ng tawa tuwing magkikita kami. Napaka loko niya talaga!

Hay! Sabi na nga ba ang wala lang yung kiss na yun eh. Siguro kailangan ko nalang ding kalimutan yun.

Nasa isang restau ako ngayon at iniintay si Lari.

Humigpit ang hawak ko sa Orange Juice na kanina ko pa inorder.

Leche! Naaninag ko na ang maamong mukha ni lari.

Ngumiti ako sa kanya.

"Bestie..." Medyo tumaas ang mga kilay ko sa sinabi niya.

"Alam mo sis! Pwedeng pwede kang maging artista sa galing mong umarte" Mariing sabi ko sa kaniya.

"Haha Oh! Pangarap ko yun eh!" Pacute na sambit niya.

"Oo lalo na pag ang role mo ay Tangang Bestfriend na walang ginawa kundi sumunod sa mga demons." Nakangising sabi ko.

Lari Harres (heyres). Mayaman, maganda, kaso may pagka tanga kaya iniiwan ng mga naging boyfriends niya.

Inosente at madaling utuin.

Hindi na ko nagtaka kung bakit lagi siyang inuutus utusan nila bea at Kell.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Talaga?! Wow! Sabi na nga ba! Bagay talaga sakin ang mga pakontrabidang roles!" Tuwang tuwa pang sabi niya.

Tss! Jusko! Di niya nagets?

Ngumiti ako.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko sa kanya.

"Maayos naman ako bestie kaso inaaway ako ngayon nila bea dahil daw makikipagkita ako sayo." Nalulungkot na sabi niya.

"Kamusta kayo ng kalive in mo?"

Lumaki ang mga mata niya at naluluhang lumapit sakin.

Mukha siyang tuta!

"Sorry Bestie!! Sorry talaga!"

Umiiyak na sabi niya. "Wala talaga akong kalive in! Sinabi lang kasi nila Kell na nagsisimula ka na daw maging poorita kaya iwasan ka daw namin huhu!" Lumakas nag iyak niya kaya pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa loob ng restau.

"Alam ko! Wag ka ngang mag inarte dito sa restau! Yung uhog mo punasan mo!" Sabi ko sabay abot ng tissue sa kanya.

Halata namang natouch siya sa ginawa ko kaya ayun! Lalong umiyak!

"Na kokonsensya na talaga ako! Sorry na!"

"Oo na nga!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Ilang minuto na ang lumipas bago siya tumigil.

"Alam mo lari, hindi mo kailangang sumunod sa kanila na parang aso. Tao ka okay?! May karapatan kang gawin ang gusto mo!" Padabog na sabi ko.

"Pero..."

"Walang Pero pero! Kung naiisip mong magagalit sila sayo ay wag mo nang isipin! Dahil hindi sila ang nagpapalamon sayo! At isa pa ay may laban ang pamilya mo sa pamilya niya kung sakaling ipatira ka nila sa mga cheap na tauhan nila."

"Natatakot ako." Kinakabahang sabi

Niya.

"Jusko! Ang O.A mo na!"naiinis na sigaw ko.

"Huhu mabigat kasi ang loob ko kung may nagagalit sakin."

"Pero okay lang na ako ang magalit sayo?" Bigong sabi ko. Naawa naman siya sa itsura ko at agad umalma.

"No! Syempre mabigat din kasi bestie tayo." Parang batang sabi niya.

"Yun naman pala. Ngayon mamili ka ng kasama mo. Ako o sila?"

Natulala siya.

"Iisipin ko lang."

Umabot ng dalawang oras nag pag iisip niya, namuti na ang mata ko sa kakaintay ng sagot niya pero nanatili siyang nakatulala.

"Oh ano na? " naiinip na sabi ko.

"Kung sinong gusto mong samahan edi dun ka. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo sakin." Sabi ko.

Napapagod kasi ako sa kakaisip kung papaano siya. Naaawa ako sa kanya.

Nung magkakasama pa kaming lima ang magkakasama ay lagi nilang pinagtatawanan at inuuto si lari.

Ginagawa din siyang utusan at laging binabara.

"Nakapag isip na ko."

Tumingin siya sakin.

"Ikaw ang pipiliin ko dahil tinuturing mo kong totoong bestie. Bata pa lang di tayo noong maging bestfriend kita. MAHAL na mahal kaya kita. Inisip ko lang kanina kung papaano ako makakasurvive sa gslit nila bea. Napangiti ako sa sinabi niya at niyakap siya.

Natigilan ako ng maaninag ko ang mestizong lalaking agaw atensyon sa restau. Nakakunot ang noo niyang lumapit samin.

"Bakit ang tagal mo? Nag-intay ako ng mahigit isang oras." Nagtitimping sabi ni james.

"Paki mo ba?" I rolled my eyes at him.

Lumingon si lari sa kanya.

Naging malaking O ang bunganga ni lari na parang nakakita ng sikat na artista.

"Omg." Bulong ni lari at humarap sakin. Nag-ayos siya ng buhok at naglipstick.

Uh oh! Balak pumorma ni lari sa kanya kaya agad akong tumayo at hinigit si james sa tabi ko.

"Lari, I want you to meet my Husband. James Reid, he's off limits okay?" Natatawang sabi ko.

Lubos naman ang pagkaguho ng mundo ni lari pagkarinig ng sinabi ko.


Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon