Chapter 4

5.5K 172 11
                                    

Simula ngayon. POV na ni nadine ang mababasa niyo so enjoy reading her thoughts

-------

Nadine Lustre

Kakauwi lang namin ngayon galing honeymoon. Nakakainis tong james na to! Kanina pa tawag ng tawag sa phone niya at panay ang tawa, ako naman ay panay ang papansin sa kanya.

Nagmumukha tuloy akong attention seeker!

Nakahiga ako sa kama ng biglang magring ang phone ko.

(Bruhang Mara Calling.....)

Anong kailangan ng bruhang to sakin?!

May patawag tawag pa!

"Hello.." Sabi ko. Pinipilit kong gawing sweet ang boses ko kahit gustong gusto ko siyang bulyawan.

Pero kung plastikan ang gusto niya! Go ako dyan ngayon! Tutal Bored ako eh!

(Oh May Gad!! Girl! How are you? I heard wala ka na daw matirhan ngayon?") Nag-aalalang sabi niya pero may bahid ng tawa.

"Paki mo?"

Pero syempre di ko sinabi yun.

"Yes. Pero nakabangon na ulit ako, nakatira ako ngayon sa mansyon."

(Really?!!) Tili niya

"Yes! But guys, Gusto ko na talaga kayong makita at makausap" para kagatin isa isa ang leeg niyo at ililibing ko kayo sa lupa pero ulo lang ang nakalitaw tapos iiwan ko kayo dun hanggang mamatay.

(Oh! Punta ka dito sa bahay! Kasama ko sina bea at Lari.)

"Okay" sweet na sabi ko.

Nagbihis ako ng itim na dress. Fit ito sakin at sleeveless kaya lutang na lutang ang kasexyhan ko at ang malaporselana kong kutis!

Naglagay ako ng pulang lipstik at naglagay ng konting powder sa mukha.

Sinuot ko ang mamahaling shades at alahas ko.

Sinuot ko din ang itim na high heels ko at ang itim na hat ko na may malaking ribbon sa tuktok.

Ipapakita ko sa kanila na ang kaibigang tulad ko ay precious!

Bumaba ako sa hagdanan at nagtataka ang mga chimay ni james at wala na kong pakialam kung bakit.

Tinanong ko ang isa sa mga chimaymay ni james kung nasan ang amo nila.

"Nasa pool po." Sagot niya.

Pagkadating ko sa may pool area ay nakita kong nakaupo si james at nakatopless. Basang basa ang katawan niya at.... Hot.

Grrrrr!

May tinatawagan na naman ang loko!

"James! Honey! " lumingon siya sakin at ngumuso. Sinenyasan niya kong wag maingay. Ang sama ng tingin niya sakin pero nung tinawagan niya yung nasa phone ay agad siyang ngumiti.

"Babe, oh! That's my mom." Sagot niya dun sa phone.

What the---? Napatanga ako sa sinabi ni james sa phone!

Sa harap ko pa talaga siya nangabit!!

Mga walangya sila!

Kinalma ko ang sarili ko. Baka masira ang outfit ko pag nagfreak out ako.

Lumapit ako sa kanya at kinulbit siya.

"Kailangan mo?" Nagtatakang sabi niya habang naghahalughog sa phone niya.

Lumaki ang mata ko nang nakita ko ang list ng contacts niya.

Babes

Babe

Sweety

Mahal 1

Mahal 2

Cutiebaby

Baby1

Sugar Pie

Leche plan1

Baby2

"Hoy! Bakit puro endearment ng magkasintahan ang nasa contacts mo?" Nagatatakang sabi ko.

Ngayon parang wala na ko sa mood makipagkita sa plastic friends ko.

LECHE! Matapos niya kong sabihan ng cute! I wonder kung ilan ba kaming sinabihan niya nun.

"My Girls" walang kaabog abog na sabi niya. Ni hindi manlang siya nautal o nagdahilan.

"Walangya ka! Kakasuhan kita ng bogamy!" Sigaw ko sa kanya at inalog alog siya.

Lalo akong nainis nung tumawa siya.

"Bigamy yun Honey!" Natatawang sabi niya.

Sinipa ko siya sa pool at tawa parin siya ng tawa ng malaglag siya.

Tatakbo na sana ako papasok ng bahay ng bigla siyang umahon sa pool at niyakap ako patalikod.

Ramdam ko ang matigas na abs niya sa likod ko.

"Ahhh! Get off me! Manloloko! Cheater! Kakasuhan talaga kita kaya maghanda kan------ Omaygad! Wag!" Napatili ako ng bigla niya kong buhatin at aakmang ilalaglag ako sa pool.

"Kakasuhan mo ko honey?" Nang-aar na sabi niya.

Napatingin ako sa pool. Mabilis na rin ang hininga ko.

"16 feet ang lalim niyan honey.... Lampas tao!" Nananakot na sabi niya na parang nananakot sa bata.

Shet! Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Patay ako nito pag nagkataon!

Lord!

"Leche ka! Ibaba mo na ko!" Irit ko. Panay parin ang tawa niya. Maya maya inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.

"Ang tapang naman ng honey ko ngayon..." he whiper seductively.

Ano bang nakain nitong halimaw na ito at trip niya kong pagalaruan ngayon?!

Buti nalang hindi taglandi ngayon.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko.

Itinapat niya ko sa tubig ng pool at unti unti niya kong binibitawan. Hindi parin mawala ang ngisi niya.

"Bibitawan na kita honey.." malambing na sabi niya at kinindatan ako.

"No! Wag pala! " natatakot na sabi ko. Shet! Naluluha na ko, may fear ako sa malalim na tubig kaya pag nagsuswimming kami ay sa mababaw lang.

"Wala akong marinig honey.. Ano nga ulit sabi mo?" Natatawang sabi niya.

"Please ayoko pang mamatay!!!" Nilakasan ko para siguradong wala na siyang palusot na hindi niya narinig.

"Hahahaha" tawa siya ng tawa at nakalimutan yatang hawak niya ko kaya nalaglag ako sa pool.

Wag po!! Tulong.!

Nakalubog ako sa tubig at panay ang irit kong humihingi ng tulong.

Napatigil ako sa pag irit ng maramdam ko ang tiles ng pool.

Hala! Ang bilis ko naman atang lumubog?

Tinry kong tumayo at ayun nga! Hanggang bewang ko lang ang tubig ng pool.

"5 ft lang pala honey" natatawang sabi ni james at tumakbo paapasok.

"HAYUP KA!! JAMES REID!"

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon