Chapter 55

3.1K 121 31
                                    



Sobrang sakit para sakin na nakita siyang nakaluhod sa harap ko at nakayakap sa binti ko.

Patuloy ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa itaas. Hindi ko siya kayang tingnan ng matagal.

Tutulo lahat ng sakit at luha na inipon ko sa loob ng dalawang buwang nawala siya at hindi nagpakita.



"Please don't. " Garagal na sabi niya habang nakayakap sa binti ko.

Pilit ko siyang tinataboy pero ang higpit higpit ng kapit niya sa binti ko.


Kinagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng pagtakas ng bagong bunton ng luha sa mga Mata ko.


"Bitawan mo na ko please? Please? Pagod na ko eh. Gusto ko muna magpahinga James. " nanginig narin and boses.

Tiningala niya ko kaya nagkatinginan kami.


Pulang pula ang Mata niya. Parang hirap na hirap na hirap siya.

"Magpapahinga ka? Ok sige" nagulat ako nung bumitaw siya at pumunta sa Kama. Ibinaba niya ang maleta ko at inayos ang Kama.


Umupo siya roon at ngumiti sakin.

"Matulog na tayo. Alam ko pagod ka na." Parang walang nangyaring sabi niya.



Umiiling ko siyang tiningnan at pumunta ako sa maleta ko.


"Sabi mo pagod ka? Magpahinga ka. Sabi mo diba magpapahinga ka lang? " tumayo siya.

Inayos ko ang maleta ko at nagsimulang higitin Ito palabas ng kwarto.


"Wag. Wag mo kong iwan. Wag mo ko iwan." Patuloy na naman ang luha niya habang nakasunod sakin.

Nagmamakaawa siya. Paano niya nagagawa yan?

Ikakasal na nga siya diba?


Tinago niya nga ako at ang anak ko diba?


Naging baliw ako sa tingin ng lahat diba?





Napatigil ako sa paglalakad at nanigas nung nakita ko kung sino ang nasa sala.


"Ah james-" napatigil siya sa pagbanggit Kay james nung nakita niya ko.

Nakasuot siya ng puting coat. Kasing puti ng balat niya. Malayang nakalugay ang buhok niya hanggang balikat.


Pinilit kong kumalma.



Hanggang dito ba naman dadalhin niya si leahn?



"Who is she baby?" Pumikit ang magandang Mata ni leahn, nagtataka.

"Ah! The crazy girl na super obsess sa asawa ko. Buhay ka pa pala?" Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.


"Leahn." Saway ni james sa kanya.

"No wonder iniwan ka at ipinagpalit. Laspag ka na pala." Ngumisi siya at inirapan ako.

Tangina Neto ah.

Lakas mang insulto. Kabit lang naman siya.




Di niya ata alam na palengkera ako sa mga sabit na katulad niya.


"Leahn!" Sigaw ni james.


"Why? Totoo naman diba? Look at her, She looks like a dog"

Please. Kingina.


"At least I just look like one. How about you? You're a real dog. A bitch."
Walang habas na sabi ko.

Napanganga siya.

"How dare you!!" Sigaw niya.

Inirapan ko siya.

"Ayaw na niya sayo kaya tanggapin mo nalang! Anong akala mo? Mahal ka niya dahil sinabi niya sayo? Pinapaikot ka niya para hindi ka na umalis dito at walang makakita sayo sa labas! Kawawa--" tumulo ang luha ko .


Shit.



"Leahn. Let's go." Sunod kong nakita ay hawak na ni james ang kamay nung gagang ingrata palabas ng bahay.


Pinili na naman niya si leahn.



Sabagay. Sino ba naman ako diba?




Nanatili akong nakatitig sa kanila.





Pero biglang lumabo ang paningin ko.

Pinikit ko ang mga Mata ko.

Pero pag mulat ko ay wala akong makita.


Anong nangyayari sakin? Bakit ang dilim?

Naramdaman ko nalang na biglang bumagsak ang katawan ko sa sahig.




At pagkatapos ay wala na kong maramdaman.



-



Salamat sa nagcomment at nagvote sa story ko :* Love you all!

At hindi pa po ito tapos haha



Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon