Chapter 25

5.1K 146 11
                                    

Hello! Gusto niyo pa ba ng Jadine fanfic? Kindly read "SINGLE Forever"  by Winx_38

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Tinawag mo kong baby?" Malaki ang ngiting sabi ko.

Hay! Paano ako makakamove on neto?

Ngumiti siya ng nang-aasar pero halatang natataranta.

Ganun ba ka big deal sa kanya ang malaman kong may gusto na siya sakin? Well, pwede namang nag assume na naman ako dahil alam niyo naman na ako'y isang dakilang Feelingera!

Pero halata na kasi eh! Yung mga tingin niya, paghawak hawak niya sa kamay ko, pag-aalala niya at ang paghalik niya sa noo ko tuwing lalabas siya sa kwartong ito.

Ay! Nakalimutan ko palang ikwento na lagi niya kong hinahalikan sa noo tuwing aalis siya?

Minsan nga gusto ko nalang higitin ang ulo niya at halikan ko siya sa labi hihi. Landi ko masyado!

"Do you like me?" Walang kagatol gatol na sabi ko habang nakangiti

Umiwas siya ng tingin at lumunok.

Damn. He look so hot!

"Feeling mo tss. Ako? Magkakagusto sa hipon na katulad mo? Asa!" He said defensively kaya lalong lumawak ang ngiti ko.

"Okay." Nakangiting sabi ko.

"Wala nga akong gusto sayo!" Sigaw niya ulit.

"Oo na nga! Bakit ba ang defensive mo? At tsaka, nasa ospital  po tayo. Baka pwedeng pakihinaan ng boses mo."

"Tss." Masungit na sabi niya at aktong lalabas.

"San ka pupunta?" Natatarantang sabi ko.

Nakakatakot kaya mag isa pag nandito ka sa opsipal.

"May bibilhin lang." Balewalang sabi niya

"Ah." Maikling sabi ko at nagtalukbong na ng kumot. Naku! Baka si Slendria nandyan na!

Nakakatakot pa naman ang itsura nun!

Nakaramdam ako ng yapak papalapit sakin.

Dahan dahan siyang maglakad at nagulat ako nung tanggalin niya ang kumot .

Si james lang pala!

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Napapikit ako nung dumampi ang malambot niyang labi sa noo ko.

"Wag kang matakot. Babalik ako agad." Malambing na sabi niya.

Shet?! Eto na ba yun?

Sign na ba to na may gusto na siya sakin? Like, Omygad!!

Dahan dahan siyang lumabas at hindi na niya sinarado ang pinto kaya nakita kong may kinausap siyang nurse, take note: babae!

Panay ang paliwanag niya dun sa nurse na walang ginawa kundi maglaway at tumitig sa asawa ko.

Napangiwi ako nung biglang hawakan nung nurse ang mukha ng asawa ko.

Nalintikan na! Ni ready ko nang kalasin ang lahat ng kung ano anong anik anik sa katawan ko, Sasabunutan ko talaga ang babeng yan.

Umuusok ang ilong ko nung may marealize ako. Oo nga pala, dapat ay magmomove on na ko.

Mahirap pala ng magmove on sa taong araw araw mong kasama.

Pero nagulat ako nung nakita kong tinanggal ni james ang kamay nung nurse sa mukha niya. Napaawang ang bibig nung nurse at bahagyang dinapuan ng hiya sa sinabi ni james sa kanya.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon