Chapter 57

3.6K 103 24
                                    

Next chap nalang po ang dedic. Salamat mwah

++++


Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin habang pinagmamasdan ang damit na suot ko. Puting fitted dress na hanggang tuhod lang. White heels, Curly hair, dark lipstick. Lumilitaw ang pagkadark ng lipstick ko sa kulay ng damit ko.

May dinner ngayong Gabi dito kina Lola. Sa totoo lang, ayaw ko muna sumama. Dahil nandun si James.

"Apo! Let's go! " sigaw ni Lola.

Sumama ako sa kanya hanggang sa dining area. Ang daming pagkain, nagkalat din ang mga chimaymay na naghahain sa lamesa.

"Intayin natin si James hija" sabi ni Lola.

May ilang kasosyo sa business ang dumating, mga kaibigang investors ni Lola at lolo jeth.

Kaya pala ang daming handaan at medyo engrande ang dinner na ito.

May pogi ding nakasuit ang dumating.

Lumapit ito Kay Lola kasama ang matandang lolo ata niya.

"Ms. Patricia! Your beauty tonight is unbeatable!" Pambobola nung matanda.

Tumawa si Lola Bea at inilabas ang sosyal na pamaypay at ikinumpas Ito.

"Wala ka paring pag asa sakin Juancio Regodon! Kahit anong pambobola ang gawin mo ay hindi tatabla dahil mahal ko ang aking si bee!"

Umiiling ang matandang si Juancio Regodon.

"Hanggang ngayo'y napakadaldal mo parin. Btw, my grandson, Jomari Andrew Regodon." Ipinakilala niya ang poging apo niya samin.

Mestizo ito, matangkad, manipis ang labi, pointed nose, matapang na mata. Parang laging galit sa mundo.

"Senyora." Pagbati nito ng hindi ngumingiti.

Ang jawlines din niya ay almost perfect.  May  pagka half zayn malik at half zac efron ang datingan ni kuya.




Nakaeyeglass din siya at seryosong nakatingin sa Lola.

"Nakalimutan mo bang ituro sa kanya ang pag ngiti juancio?" Mataray na sabi ni Lola.

Tumawa si lolo juancio.

Hanggang sa napadako ang tingin niya sakin.

"And who is this beautiful lady beside you?" Tanong ni juancio.




Napadako na din ang tingin sakin nung Andrew. Walang ekspresyon ang mukha niyang nakatitig sakin.




"Ah! My grandson's wife. She's gorgeous isn't she?" Salamat sa papuri la. Matagal ko nang alam yan enebe.



"Yes she is. Kung nauna lang Sana si Andrew sayo ay nasa puder Sana kita" sabi ni lolo.

Nakita Kong umirap yung Andrew. Yabang Neto ah! Ano suntukan nalang oh!

"Kaninong asawa? " juancio asked

"James." Sabi ni Lola

"Kala ko at na engaged na siya sa   isang sikat na artista?" Nagtatakang sabi ni lolo juancio.

Umiiling si lolang sumagot "Palabas lang lahat ng iyon juancio"



Pagkasabi nun ni Lola ay dumating si james wearing his suit. Ang gwapo niya. Ang abuhin niyang Mata at ang kagandahan ng kanyang mukha at nadepina sa gabing ito.


Kaso hindi siya nag iisa.


Kasama niya si leahn. Hawak pa niya ang kamay nito at sabay silang naglakad patungo sa way namin.

"I thought?.." Naguguluhang sabi ni lolo juancio.

Naramdaman ko ang panginginig ni Lola.

Nagawa pang lumapit ni james para magmano. Si leahn ay aambang magmano din kaso tinabig Ito ni Lola.

Nagulat si leahn sa ginawa ni Lola.

Nanatili akong walang imik at napatingin ako kay james. Kay leahn siya nakatingin.

Humarap si Lola sa lahat ng pumunta.

"Everyone! I'm so sorry but I have to call off this dinner for tonight. May emergency and its very urgent. I'm so sorry" paliwanag ni Lola.

Nagulat ang lahat. Maski ako ay nagulat sa sinabi ni Lola.





Nang makalabas ng lahat ay nanginginig si lolang hinarap si James.

"Bakit dinala mo dito ang babaeng yan! I told you to come alone Hayme!" Sigaw ni Lola.

"Lola, s..sorr--" sabi ni leahn pero pinutol siya ni lola.

"You shut up! Hindi ako sayo nakikipag usap! Huwag kang bastos!"
Dinuro ni lola si leahn at hinarap si James.

"What is your problem? " nanggigigil na sabi ni lola.

"Wala" sabi ni James.

"Paano mo nagawa Ito sa asawa mo? " ramdam ko ang pait sa sinabi ni lola.


Naka ilang pikit si James.

Pero nanatili ang ekspresyong malamig.

"La, I just realized that Nadine is not the one for me. We started as fake couple and I know its wrong to fall in love with her in the first place. Hindi ko naisip na baka yung babaeng para sakin talaga ay nag iintay lang." Paliwanag ni James sabay higpit ng hawak ng kamay Kay leahn.

Walang luhang namuo sa Mata ko. Siguro napagod na. Pero may malaking bara sa lalamunan ko na mawawala lang pag iniyak ko.

Hindi makapaniwala si Lola sa narinig. Sinampal niya ang apo niya.

Nag echo sa buong dining room ang sampal ni Lola.

"You ruined her life James. " nanginginig na sabi ni Lola.

Napapikit nalang ako sa sinabi ni Lola.

"I know. Pagsisisihan ko iyon habang buhay." May emosyon along nakita sa mga mata niya pagkatapos sabihin ang katagang iyon.

"You'll regret choosing that woman " sabi ni Lola at tumalikod na.

Tiningnan ko silang dalawa

Pagkatapos ay Kay James.

"Thank you for everything honey." Bulong ko.

Tumalikod ako at nagsimulang sundan si Lola.




Leahn's P.O.V


Tiningnan ko ang facial expression ni James pagkaalis ni nadine.

He's staring at her back as she walks away.

Namuo ang luha sa Mata niya bago tuluyang umalis at iniwan akong mag isa.

Alam ko kung saan siya pupunta at kung ano ang gagawin niya.

Naging alcoholic siya. Inom doon Inom dito.

Huminga ako ng malalim at sinundan ang future husband ko.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon