Chapter 53

2.9K 97 30
                                    


"Teka.. bakit ayaw niyo ko palabasin?!" Sigaw ko dun sa bagong guard ng bahay na to.

Mk

"Yun po ang utos maam."  Maangas na sabi niya.

"Hindi ako preso! Palabasin mo ko dito at kailangan Kong makausap ang asawa ko! PALABASIN MO KO!" Namuo ang butil ng luha sa mga mata ko.

Pero parang walang narinig yung guard.

Lumapit ako sa kanya at pinaghahampas ko siya.

"Gusto ko makita si James! Palabasin mo ko!" Umiiyak ako.

Nakita ko ang iba pang guard na palapit sa kanya.

"Ano bang problema niyo sakin?! Bakit niyo ko kinukulong dito?!" Sigaw ko.

May pumigil sakin.

"Ma'am, tama na po." Nilingon ko si resha at Loren na parehong naiiyak.

"Loren! Resha! Sabihan sila na----" napatigil ako sa pagsigaw nung nakita ko ang maletang bitbit bitbit nila.

Nanlaki ang mga Mata ko.

"Teka..Saan kayo pupunta? Aalis kayo? Iiwan niyo din ako?" Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa mga Mata ko habang walang kurap na nakatingin sa kanilang dalawa.

Pinunasan ni resha ang luha niya.

"Im sorry ma'am. Kailangan na po naming umalis eh. "

"Hindi ko naman kayo pinapaalis diba?. Loren?" Tumingin ako Kay Loren.

"Ma'am, Tinanggal na po kami ni sir James. Pinapauwi na po kami sa mga probinsya namin. Dadating na rin yung bagong makakasama mo mamayang Gabi." Paliwanag niya.

Umiling ako..

"Ayoko! Wag kayo umalis! Please! " pakiusap ko.

"Hindi po ginusto ito ma'am. Salamat po sa pagiging mabait samin kahit kasambahay lang kami." Sabi ni Resha.


Napatulala ako habang pinanood silang sumakay sa kotse.


Wala na.


Gusto ko magwala.

Pinunasan ko ang luha ko bago pumasok sa loob ng bahay.


------

"James Reid and Leahn Ayala are now engaged! Congratulations! You'll make a cute and adorable family."

"Finally! After 4 years of being in a relationship! You  two are now gonna step forward to a new level of your life! Anong nararamdaman mo ngayon Ms. leahn?" 

'"Overloading happiness. Finally, magigising ako sa umaga na siya ang kayakap ko. My surname will be now, Reid."

Napalunok ako sa sinabi niya.

Kingina! Kingina Talaga!

Pwedeng pakising ako kung sakali man na... na nananaginip ako?

James Reid is Finally Fucking Engaged?! .

No. Ako ang asawa niya kaya paanong maeengage siya sa iba?

Kaya ba tinatago niya ko dito sa bahay na to? Kasi ayaw niyang malaman ng lahat na meron siyang anak? At asawa?

Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko habang nakatutok ang mga Mata ko sa T.V.





"I love her."

Nawasak ang puso ko. Tangina sira buhay ko at ng anak ko!

4 years silang dalawa.

Ibig sabihin nauna siya sakin.

Ano ako para Kay James?


Kinuyom ako ang kamao ko habang nakatitig sa mukha niya sa T.V.

Namuo ang matinding galit sa puso ko.

Galit na galit ako sa kanya.








****

Maikli lang po talaga ang chapter na ito.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon