Chapter 34

4.6K 146 7
                                    


Matapos ang mahabang gabi ng lamunan ay yakap ng yakap sakin si james na parang oranggutan. Siksik siya ng siksik sa leeg ko.

"Problema mo?" Tanong ko

Naramdaman ko ang marahang pag ngiti ng labi niya sa leeg ko.

"Wala. I want to memorize your smell, Amoy baby.." Sabi niya at inamoy amoy ang leeg ko.

Shet! Baka umasim na ang leeg ko dahil hindi man lang ako nakaligo bago pumunta dito!

Bahagya ko siyang tinulak.

"Ano ka ba! Para ka namang aalis para imemorize ang smell ko!" Natatawang sabi ko at tinitigan siya.

Pero seryoso ang mukha niya.

"Ano ba?! Tinatakot mo naman ako eh!" Pabirong sabi ko at pinaghahampas siya sa balikat.

Hindi siya umimik kaya natigilan ako.

"Aalis ka nga?" Kinakabahang tanong ko.

Hindi na naman siya sumagot.

Pipi na ata tong si james eh!

"Oo" mahinang sabi niya.

Napaawang nalang ang bibig ko sa gulat.
Tapos maya maya ay pinilit kong tumawa.

"Ay naku! Baka naman sa Paseo lang ang punta mo!" Biro ko pero hindi na naman siya sumagot.

"No.. Dad wants me to handle our branch in australia." Sabi niya ng nakatingin sa mga mata ko.

"Edi good. Im coming with you!" Masayang sabi ko.

"No. You're not coming with me." Marahang sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.

"James ah! Nabubwisit na ko sayo isa pa!" Sigaw ko.

"Pag di mo ko sinama, Break na tayo!" Sigaw ko ulit kaya niyakap niya ko ng mahigpit.

Pinaghahahampas ko siya pero malakas siya kaya nauuwi lang sa yakapan.

"4 months lang naman yun.." sabi niya.

"Bakit kasi bawal akong sumama?!" Naiinis na sabi ko.

Ayaw kong mawalay sa kanya!
Buset! Nagsisimula pa lang ang aming mahalimuyak na pagsasamahan.

"Sabi ni dad dito ka nalang dahil babantayan daw ni lola ang pagbubuntis mo."

"Tangna! Di naman ako buntis ah!" Naiiyak na sabi ko. "Gago ka! Pag ako nabisto at wala ka dito kakalbuhin talaga kita!" Sigaw ko at panay ang tulo ng luha sa mga mata ko.

"Pag nalaman na nila, Uuwi ako dito para sayo." Marahang sabi niya.

"Sabihin nalang natin ang totoo.." nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Para walang iexpect sila lola dahil masasaktan sila pag nalaman nilang wala.

"Magagalit si lola. Papalayasin ka niya sa bahay.."

"Ok lang!"

"No nadya. Pag nalaman nilang di ka buntis ay maghahanap sila ng babymaker ko. Ayoko nun." Puno ng pag aalalang sabi niya.

Huminga ako ng malalim.

"Ok!" Nanghihinang sabi ko.

"Kailan ba alis mo?" Tanong ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"After 2 weeks honey.." malambing na sabi niya.

"Ang bilis naman!" Angal ko.

Ngumiti siya at inangat ang baba ko.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon