Chapter 17

4.7K 151 4
                                    

Next chapter na po ako magdededicate. Kung sino ang nagcomment at nag vote, Pasasalamat ko sa kanila yun.

♡♡♡♡

3 Months na ang nakalipas simula ng I reject ni James ang feelings ko para sa kanya.

Hindi daw siya nagmamahal?!

Isang napakalaking kalokohan!   May mamahalin siyang babae. Dahil kahit gaano pa siya ka playboy, Tao pa rin siya.

At normal sa taong magmahal.

Sabagay, abnormal nga pala si james dahil pinakawalan niya ang seksing tulad ko.

Sobrang nasaktan ako nun. Ginawa ko lahat para makalimutan siya.

Nag inom ako buong gabi.Nag video oke sa public kahit hindi sanay, nag disco, nakipagdate sa ibang lalaki.

Pero hindi yun  nakatulong sakin.

Nung nalaman ko na hindi tumatalab ang ganoong klaseng pagmomove on ay ibinaling ko ang atensyon ko sa pag-aaral ng tennis.

Ang daming pogi na naglalaro dun sa court, baka isa sa kanila ang papawi ng sakit. Hahahaha Isang napakalaking katatalandian na naman ang nasa isip ko.

Anyway, Naiinis ako Sa reid na yun dahil hanggang ngayon wala pa ring progress ang deal namin na babawiin niya lahat ng properties ng pamilya namin.

6 months na lang daw. Pagkatapos nun ay ipapawalang bisa na niya ang kasal.

Siguro naman pag pinawalang bisa niya ang kasal ay hindi na masyadong masakit dahil 6 months from now na ka move on na ko.

"Sheet! Maglalaro na sa court ang dalawang hottie!" Irit ni Lari sa tabi ko.

Napako amg tingin ko sa dalawang hottie nasa tennis court.

Magaling silang maglaro ng tennis at kung hindi lang ako inlababo sa iba ngayon ay baka nakiisa na ko sa pagtili ni lari.

Its Allen Marco and Vien Cortez!

A.K.A " The Rivals"

Nawala ang pagmumuni muni ko ng biglang nagring ang phone ko.

Nakita ko ang lalaking gustong gusto kong papangitin dahil sa pang reject sa beauty ko.

"Hello!" Padabog kong sabi.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Bwiset! Nasobrahan na sa mood swings. Dumidepende sa buwan ang ugali niya. June-mabait

July- malandi

August -Cold

"(Easy...)" He said

Lalong kumunot ang noo ko.

"Easy?! Ha? Easy? Wag ka nang tatawag ulit sa phone ko! " naiinis na sabi ko

(Naririnig ko ang pagiging bitter ng boses mo. Hanggang ngayon ba naman hindi ka parin maka move on sa kagwapuhan ko?) Nagmamayabang na sabi niya.

"Maghanap  ka ng ibang babaeng pagtiripan mo Gago!" Pasigaw na sabi ko sa kanya at Pinatay ang phone ko.

Nagulat ako ng sobrahan yata ang lakas ng sigaw ko kaya napatigil ang mga tao sa ginagawa nila.

Pati si Allen at Vien ay tumigil at lahat sila nakatingin sakin.

Sheeeet! Nakakahiya

"Sorry! Sige ituloy niyo na ang ginagawa niyo!" Sabi ko sabay peace sign at nag aalangang ngumiti.

Nakakahiya talaga!

Panay ang tawag ni james sa phone ko pero hindi ko sinasagot.

Manigas ka diyan!

Text lang ni Loren ang tiningnan ko.

Baka importante.

[Hoy! Bakit di mo sinasagot mga tawag ko? May importante akong sasabihin!" -JR]

Uminit bigla ang ulo ko, alam niya siguro na si Loren ang close ko sa bahaya kaya dun siya nakitext!

Asshole.

Nung tumawag ulit siya ay sinagot ko na.

"Ano bang importante?" Nagmamadaling sabi ko.

[My mom invited us for dinner. Wear something decent, Semi- formal. "] Pakantang sabi niya.

Dinner?

"Kailan ba yan? Busy ako."

[Mamaya. Kaya ngayon pa lang umuwi ka na. And we need to act like a real couple in front of them later]

Tsk.

"I'll think about it later." Maarteng sabi ko sa kanya.

Hinding hindi ko na ipapakitang apektado ako sa kanya.

[What?! Baka abutin na ng bukas ang 'later' na sinasabi mo. Umuwi ka na!] Oh Uh he's mad.

"Utut mo! Uuwi ako kung kailan ko gusto!" Sigaw ko sa kanya sa kabilang linya.

[Iwas iwasan mo ang pagtatrashtalk mo kundi----] napatigil siya sa huling sasabihin niya.

"Ano? Papatayin mo ko?"

[Wala! Susunduin kita dyan. Nasan ka ba?]

"Nasa langit."

[Sumagot ka ng maayos pag tinatanong ka ng maayos]

"Nasa tennis school ako. Malapit sa school na pagmamay ari ng magulang mo."

[Wait for me.] Nagmamadaling sabi niya.

Huminga ako ng malalim at pumunta sq court kung nasan ang magtuturo sakin ng tennis.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon