Chapter 51

3K 101 19
                                    

Pagkatapos niya kong yakapin ay inalalayan niya kong tumayo.

Amoy na amoy ko ang pabango niya.

James.

"Go home now." Bulong niya.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari pero ang alam ko ay si james ang lalaking kausap ko ngayon.

"James.. Bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa kita iniintay" naluluhang sabi ko sabay yakap sa kanya.

Sayang at wala na yung mga demonyong hayuf na tao kanina dito. Ipapakita ko sana sa lahat na nandito si james. Na hindi naman talaga ako baliw. Na may anak talaga kami.

"Tara na.. Uwi na tayo honey! Iniintay na tayo ni baby juris sa bahay. Im sure miss na miss na tayo nun." Hinigit ko siya pero nananatili siyang nakatayo at nakatitig sakin.

"I cant go home now." Pabulong na sabi niya.

"Ha? Bakit?" Nanlulumong tanong ko.

Alam kong nakatitig na naman siya sakin ngayon kahit may shades siya. Ramdam na ramdam ko ang lamig sa bawat titig niya.

Hindi ako makahinga nung hinawakan niya ulit ang kamay ko at biglaan akong niyakap ng mahigpit.

"Just remember that no matter what happens, I'll always love you. I want you to trust me." bulong niya.

Lalo niyang hinigpitan ang bawat yakap niya. Tila ba ito na ang pinakahuling magkikita mayayakap niya ko.

Ramdam ko din ang paghalik niya sa shoulders ko.

"Ano bang nangyayari? Ipaintindi mo sakin please?" Sabi ko sa kanya.

Pero hindi niya ko sinagot at nanatiling nakayakap sakin.

"Ihahatid kita pauwi sa bago mong bahay." Sabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa nakapark na black fortuner.







IPINARADA niya ang kotse sa tabi ng isang malaking bahay. Kulay puti ang bahay na ito at nasa malapit sa beach. Actually, nasa beach niya kami.

Wala kang makikitang ibang tao dito. Puro buhangin at may mangilan ngilang puno ng niyog.

Ang ganda ha!

"Always be happy honey." Nakangiting sabi ni james habang nasa loob pa kami ng sasakyan.

"I love you" sabi niya

"Mahal din kita"

"Take care of my son okay?"

"Alangan namang pabayaan ko yun. Anak ko din kaya si juris baliw ka ba?"

Ngumiti siya ng mapait at lumabas ng kotse. Binuksan niya ulit ang pintuan ko.

"I'll go now" paalam niya..

Nataranta ako. Aalis na naman siya?

"Saan ka pupunta?" Naiiyak na namang sabi ko.

"Dont worry honey. Babalik ako. ." Bulong niya bago kinalas ang yakap at sumakay sa kotse.

Pinanood ko lang ang paliit na paliit na sasakyan niya.

Pinunasan ko ang luha ko.

Babalik naman siya eh.

Sabi naman niya babalikan niya ko eh.

Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan ko dun sa resha at ramon na naglalampungan sa sofa.

Naunahan pa kami ni james na binyagan ang sofa!

Dahil wala ako sa mood ay naglakad ako papuntang kitchen. Hindi man lang ako napansin ng dalawang unggoy na ito.

Sarap batuhin at sigawan na wala silang poreber dahil nagloloko naman yang lintik na si ramon.

"Oh Loren! Anong ginagawa m--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil napatigalgal ako nung humarap siya sakin.

May maliit na nakaumbok sa tiyan niya. Hindi mo mahahalata kung di mo siya kilala. Pero..

"Buntis ka?!" Sigaw ko.

Yumuko siya at napaiyak.

"Opo ate.."

Shet! Natrauma ata ako kay C.

"Sinong ama?"

Tinuro niya si ramon na kalampungan ngayon ni resha.

Napatakip ako ng bibig. Omy!


Hanggang dito ba naman maiistress ako? Jusko!

"Alam ba ni resha?" Bulong ko.

Umiling siya ng mabilis.



Gulo to.



***********

HELLO JADINE'S! Ang chap na ito ay dedicated sa lahat ng nagcomment sa last chap! Thank you! I love you!

Next chapter ako magdededicate ng tig iisa haha.

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon