Ivan's P.O.V
One week na ang nakalipas.
at isang bagay lang ang narealize ko sa sarili ko...
hindi ko pala kayang mawalay sa pamilya ko.
napatunayan kong mahal na mahal ko pala si jana. buong isang linggo akong Hindi nkatulog sa kaiisip sa mag ina ko.
alam kong nasaktan ko sila ,
lalo na si jana.
sobrang tanga ko na nagawa ko silang ipagpalit sa iba.
pero hindi pa naman siguro huli ang lahat..
kaya ko pa naman sigurong itama itong mga pagkakamali ko.
Oo nkapag desisyon na ako.
iiwan ko na si monica at babalikan ko na ang pamilya ko. sana lang ay mapatawad pa nila ako. Sana matanggap pa ako ni jana.
tumayo ako sa kama at kinuha ko ang maleta ko at nagempake agad ako ng mga gamit ko.
isinasara ko na ang maleta ko nang pumasok si Monica sa kwarto.
"anong ibig sabihin nito Ivan!?" nanlalaking mata na tanong nya. kitang kita ko ang takot sa kanya.
"I'm sorry Monica." hinarap ko sya "babalik na ako sa mag ina ko. "
"a- ano? are you kidding me?! Ivan please naman huwag mo namang gawin to oh" hinila nito yung maleta ko
" sorry Pero buo na ang desisyon ko, itigil na natin to" kinuha ko na ang maleta ko at tumalikod para umalis Pero niyakap nya ako sa likuran
"please Ivan diba Mahal mo ko? Sabi mo Mahal mo ako?" humigpit yung yakap nya Pero kinalas ko yung kamay nya na nakayakap sa akin para makaalis na ako. maling Mali na sumama ako sa kanya. nagpadala ako sa kagustuhan ng laman ko. nagpadala ako sa tukso.
"I'm sorry pero nagkamali ako. mas mahal ko ang asawa at anak ko" pagkasabi ko nun ay umalis na ako. sinubukan pa nya akong pigilan pero Hindi na sya nkahabol dahil pinaandar ko na yung sasakyan ko.
gustong gusto ko nang umuwi at makita sila.Sana mapatawad nila ko. pinapangako kong hindi ko na sila iiwang muli,magiging mabuting asawa at ama ako sa kanila at magiging masayang pamilya kami.
Sorry for the typo and thanks for reading :)
----- Ms.A
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
RomansaDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.