"what hurts is when you lost someone you love,but the most painful part is it's because of you "Ivan's P.O. V
Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
pauwi na ako sa bahay namin, sa totoo Kong tahanan kung saan naroon ang dalawang pinakaomportanteng tao sa buhay ko. miss na miss ko na sila pero kinakabahan ako dahil alam kong galit sya. Sana Lang mapatawad nya pa ako.
Dumaan muna ako sa mall para bilhan ng bola si jair.naalala ko Kasi na nagpromise ako sa kanya na maglalaro kami ng basketball. napangiti ako dahil nagmana sa akin ang anak ko na mahilig sa basketball.
pagkatapos kong bumili ay sumakay agad ako sa sasakyan ko para makauwi na. siguradong matutuwa ang anak ko sa bagong bola nya.
nang malapit na ako sa bahay ay sobra na akong kinakabahan pero ngumiti parin ako.
sa wakas nandito na ako.
agad Kong ipinarada ang sasakyan ko at kinuha ko ang binili Kong bola ni Jair,bumaba agad ako at nagtungo sa pintuan ng bahay namin. pipihitin ko na Sana yung seradura pero bigla nalang itong bumukas.
"S-Sir Ivan" gulat na sambit night manang.
"manang" bati ko sa kanya ng may ngiti.
"a-anu pong ginagawa nyo dito?" tanong nya nang hindi makatingin ng maayos sa akin. parang may halong tampo o galit? yung tono ng pagtatanong nya.
nangunot yung noo ko. " syempre manang bahay ko to." bigla akong napabuntong hininga. siguro galit din sya sakin sa pag iwan ko Kay Jana at Kay Jair.
"m-manang alam ko na galit ka sa akin.andito ako para balikan yung mag-ina ko"bigla syang napatingin sakin mula sa pagkagulat ay biglang nawalan ng emosyon ang itsura nya. naging blangko ang ekspresyon ng mukha nya. Hindi ito kimibo kaya tinanong ko sya
" manang n-nasaan po sila?" Hindi ito sumagot siguro nga'y galit ito.
"s-sige po aakyatin ko nalang po baka nasa kwarto sila." tumalikod ako at naglakad bitbit ang maleta ko pero nung nasa unang baitang na ako ng hagdan ay bigla siyang nagsalita.
"wala sila Dyan" malamig nyang Sabin.
"huh nasaan po sila?" nagtatakang tanong ko.
humarap ito sa akin.at nagulat ako sa ekspresyon ng mukha nya,ang kaninang blanko ay napalitan ng parang nagpipigil ng luha at ang nagpakaba sa akin ay ang sinabi nya
"wala sila dyan. wala ang anak mo dyan. huli ka na." tumulo na ang luha nito habang nakatingin sa bolang hawak ko.
" a- ano pong ibig nyong s-sabihin? "
A/N: hello Sana po magcomment kau kung may nagbabasa man nito. hehe sorry for the typos and wrong grammars.
Ms.A ;)
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
RomanceDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.