"What the hell is the meaning of this!"
Umalingawngaw ang isang malakas na boses kaya naman napabalikwas kami ni Ivan ng bangon mula sa pagkatulog.
"Janna!"
nanlaki ang inaantok na mata ni Janna dahil sa sigaw ng kanyang ama.
"P-Papa
"anong ibig sabihin nito ha?! bakit kasama mo yang tarantadong lalaki na yan!" sigaw nito habang dinuduro si Ivan. maramdaman niya ang kamay ni Ivan na hinawakan nito ang kamay niya.
nanginginig na siya sa takot dahil baka kung anong gawin ng Papa niya kay Ivan."P-Pap---" hindi na naituloy ni Ivan yung sasabihin nya nang mabilis na lumapit ang papa niya dito mabilis na hinila Ito patayo sa kama tsaka malakas na sinuntok si Ivan.
"Papa!"
mabilis kong dinaluhan si Ivan sa ibaba ng kama. mabuti nalang at binihisan pala ako ni Ivan ng T-shirt nya kaya hindi ganoon nakakahiya ang ayos naming dalawa. pero alam kong hindi tanga ang mga magulang ko para isiping walang nangyari sa amin ni Ivan.
inakap ko si Ivan.
"I-Ivan" naluluha na ako gawa ng takot sa mga magulang ko at pag aalala kay Ivan.
nagulat ako nang mabilis na hinablot ako ni Dad. tapos dinala ako kay mama. si mama naman ay mahigpit akong hinawakan. kita rin ang galit sa kanyang mga mata.
"Marie! tumawag ka ng guards!!" sigaw ni papa kay Marie na nooy nasa labas pala ng kwarto.
nag aalinlangan pa ito kung susundin ang papa niya pero noong sigawan ulit ito ng papa nya ay mabilis na sumunod ito.
maya-maya ay may dumating na dalawang guard.
"ilabas nyo yang lalaking yan sa pamamahay ko!" ma otoridad na utos ni papa sa mga ito. mabilis namang tumalima ang mga guards at inakay palabas si Ivan.
"bitiwan nyo ko. kaya kong lumabas mag isa." mariing sabi ni Ivan. binitawan naman sya ng mga ito.
nang tumapat ito sa kanya ay huminto Ito. lumamlam ang kanyang mga mata nang titigan nya ko.
pinilit kong kumawala kay mama pero mahigpit ang kapit nya.
"lumayas ka dito at layuan mo na ang anak namin!" sigaw ng mama nya Kay Ivan.
"No... Ivan no.. mama please!" nagsusumamo kong sabi kay mama ngunit sinalubong lamang ako ng galit nyang mga mata.
"aalis ako. "
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
عاطفيةDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.