Ivan
Matapos ng mga pangyayari kanina ay naging mas lalong malamig na ang trato sa akin ni Janna.
"Hon---"
"makakaalis kana Ivan " sabi nya at dirediretsong pumasok sa bahay nya.
Napabuntong hininga ako. Lumabas naman si marie na parang nag aalala.
" k-kuya ano pong nangyari? " tila nahihiya pero makikita mo na nag aalala siya kay Janna. Hindi ko man siya ganoon kakilala ay nararamdaman kong nag mamalasakit siya sa asawa ko.
"she got mad again." sabi ko sa Kanya habang binaling ko ang paningin ko sa mga halaman na nakatanim sa garden sa harap ng bahay ni Janna.
" a- ahh kuya , huwag nyo po sanang masamain ang itatanong ko pero s-sino po ba kayo sa buhay ni ate? alam ko pong wala akong karapatan dahil hindi naman ako kamag anak ni ate pero sa maniwala at sa hindi po kayo ay parang tunay na ate ko na po siya, kaya gusto ko po sanang malaman kung ano po kayo sa buhay ni ate Janna at kung bakit po siya galit sa inyo." nahihiya nyang tanong. I sighed again.
" I am her husband." seryoso kong sagot. napasinghap ito at nanlalaki ang mata habang nakatakip ang bibig ng kamay nito.
"a- asawa?! " hilarious na tanong nito. tumango ako sa kanya at tumingin ulit sa mga magagandang bulaklak, she really loves flowers.
" k-kung ganoon,bakit po siya g-galit sa inyo?" may pag aalinlangan nyang tanong,siguro iniisip nyang hindi ko siya sasagutin.
Muli ay napabuntong hininga ako sa tanong nya. ayoko sanang alalahanin pang muli ang nakaraan dahil nasasaktan din ako at lalong nadadagdagan ang galit ko sa sarili ko pero siguro dapat sabihin ko rin sa kanya ang lahat dahil alam kong matutulungan nya ako.
Bumaling ako kay Marie matapos kong sabihin lahat lahat sa kanya. Kanina habang nagkukuwento ako ay hindi ako tumitingin sa kanya hindi dahil sa umiiyak ako kundi alam kong magagalit din siya sa akin at natatakot akong hindi nya ako tulungang mapalapit sa asawa ko.
"kuya kasalanan mo" walang emosyong sabi nya.
bumuntong hininga ako at nag iwas ulit ng tingin." I know and I hate myself for that "
"pero Alam ko at nararamdaman kong nagsisisi ka na at mahal mo talaga si ate Janna."
"so much" madamdamin kong sabi.
bumuntong hininga ito.
"hindi ko mapipilit si ate Janna na kausapin ka. hindi naman must ako kaano ano para maki alam sa desisyon nya at alam ko pong sampid lang ako dito."
" I know but allowing me to visit her everyday will be a big help. " sabi ko sa kanya tumango naman siya.
" pumapayag po ako pero oras na may gawin ka pong masama at saktan si ate Janna, ako mismo ang makakalaban mo. hindi ko man po siya kadugo,pero parang tunay na ate na po ang turing ko sa kanya"
tumango ako.
"alam ko and thank you sa malasakit mo sa asawa ko., alam kong galit siya sa akin. karapatan nya yon and I deserve this,pero kahit na ipagtabuyan nya ako at ipagtulakan...
Hinding hindi ko siya susukuan. "
Pagkatapos kong sabihin yun ay dumiretso ako sa kusina nila para maghanda ng pag kain ni Janna.
Honey, kahit ipagtabuyan at kamuhian mo pa ako ng sagad sagaran...
Hindi kita titigilan..
hindi na ulit kita iiwan.I'm sorry pero hindi ako susuko.
**************
A/N: unedited
BINABASA MO ANG
REGRET OF A HUSBAND
RomanceDahil sa isang pagkakamali ay nawala sa kanya ang kanyang anak at asawa, ...may magagawa nga ba ang pagsisisi nya upang maibalik sa dati ang masayang pamilya na nasira nya? this is Ivan's story.. this is the regret of a husband.